tales from a jeepney ride – redux
If you are reading my personal blog, then you know by now that I live in a barrio siete with my family. We live some 20-30 minutes (depends on jeepney’s speed) away from the nearest city, where my son Raine goes to school.
Five days a week, we commute daily. One good thing here is that there is no traffic. Jeepney don’t run… they all fly! The view is good to ones eyes… you see greeneries all throughout the ride. Very minimal air pollution too. What will all that green sucking the carbon dioxide around.
Being inside a jeepney everyday is a fascinating story. You see people from all walks of life with different stories to tell.
In the photo above … two women sitting on opposite sides are each carrying a newborn baby. Those are twin boys, a few days old. The mom is on the left side. They ‘ve just been released by the hospital and the family is now headed home.
One day there was this couple sitting across where I was. Two high school students, in uniform. Mag-syota at nakapulupot sa isa’t-isa. Naisip ko na lang:
Ang lakas ng loob ng mga batang ito. Pano kung makasakay nila sa jeep ang tsismosang kapitbahay? Eh di huli sila! Isusumbong sa magulang.
At times like such… blessing in disguise ang tsismosang kapitbahay.
Minsan naman.. eto ang naglalaro sa isip ko habang iniintay kong umandar ang dyip pauwi (warning: toilet humor ahead!):
Hayup na jeepney driver to ayaw pang umandar…pag sumabog ang t-a-e ko dito mahinguragan (closest translation: buti nga sa kanya!) sya.
Well…you know, minsan sumasakay ka sa dyip na merong revolution sa tyan mo. Kaya atat ka nang umuwi. He he. Aminin!
Ang problema ko nga lang araw-araw, eh dahil galing pa sa town proper ang bumibiyaheng dyip… pagdaan sa tapat namin eh puno na sya. Merong araw na limang dyip na ang lumampas pero di pa rin kami makasakay ng anak ko.
Kaya simula 6 am nag-aabang na kami.
Anyways…mabuti na lang laging masayahin ang anak ko. Ako nakasimangot na dahil wala pa ang dyip…sya ay ngiting-ngiti pa rin.
Pag ganyang klaseng bata ang kasama mo araw-araw…makakalimutan mo ang revolution sa tyan mo habang nakasakay ka sa dyip. Our daily commute is indeed a constant adventure.
One more thing about living in the barrio…after your crazy day is done, you go home to the peace and quiet of the barrio. That alone is rest enough from the noisy, tricycle-full city.
Viewed 9677 times by 1689 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.
















Jeepney ride, tricycle ride, padyak o sa amin- Sikad ride… namiss ko yun ah! Dito sa barrio nila sa mid east kahit gano kainit wala man lang papadyak para sa iyo! haaay! And yes, nakakamiss ang peace on earth ng sari-sariling barrio natin (when applicable only). lol!
ay naku lalo na sa mindanao, noong nakapunta akong lanao del norte, di na regular dyip. Mukhang Dyibus: Dyip morphed into Bus. Tapos yung kunduktor sa labas ng bintana nakasabit para maningil ng pamasahe, nagulat ako nung kinuhit nya ako na ang takbo ay 100 kilometro per ora.
Buti pala diyan sa inyo walang natutulog sa sasakyan? Dito ang damin eh.
fatherly yours: eh kasi lumilipad ang mga dyip dito. kung tulog ka? baka sa rice fields ka pulutin.
hehehe.
@fatherly yours
lumilipda mga dyip dito. pa natulog ka, baka sa rice field ka pulutin.
hehehe.
lumilipad!
miss ko ang jeepneys!
sikat na sikat ang jeepney sa pinas sa ibang bansa.
yeah ressie, tuwang tuwa ang foreigners sa jeepney. actually merong akong dutch friend kung puede lang daw dalhin ang jeep sa kanila eh bibili sya.
hahaha!!!
ang cute ng baby mo glo, natatawa nga ako dun sa picture nyo na magkasama kayo para kayong pinagbiyak na bunga hahahaha.
yung anak ko pag kasama ko di kami napagkakamalang mag ina, maitim kasi yung anak ko parang anak ng negro ahahahaha.
miss ko satin lalo pa nakasakay ka sa malademonyong jeepney driver na kung magpaandar ng jeep e para bang taeng tae na at 2 kamay mo kapit kung hindi tatalsik ka talaga hahaha
hhahaha thank you lee. ang iba kasi ang tingin di ko kamukha ang anak ko.
naku…tatalsik ka talaga! kaninang umaga lang, pati paa naming mag-ina eh halos kumapit! pero ang anak ko tuwang tuwa at nasa race car daw sya!
hahaha
hahaha glo, ganyan talaga mga bata pag maliit pa nakakatuwang kasama sa byahe, pag laki na ayaw ng sumama sayo kahit pilitin mo
hahaha! kaya nga sinasamantala ko habang maliit pa sya at ang gusto eh sama ng sama kahit saan ako pumunta.
sumasakay pa naman ako nang jeep when i am in manila. pag color coding leche. hahaha irita oo! ang inis ako yong ganito:
walang katao tao sa jeep
me uupo
sa pinaka-lecheng dulo. taz ako nasa medyo gitna.
taz biglang:
“MAMA! BAYAD!”
pero nakatingin saken at ayaw gumalaw nung gago!
hmpt!
hahahaha tama ka dyan kamahalan at obligasyon mo na abutin ang bayad nila at iabot sa driver at pag nahulog ang barya ikaw parin ang dapat pumulot hahaha
kaya ng ayaw na ayaw kong uupo sa malapit sa likuran ng driver kasi gagawin kang official na konduktor ng lahat ng pasahero.
tapos pag huli kang sumakay, lahat ng pasahero uusog malapit as babaan/akyatan ng dyip, so doon ka sa pinadulo mapupunta at kalahati na lang ng puwet mo ang makakaupo.
eto ang pinaka-hate ko sa pagsakay ng dyip: may meron kang katabing lalaking bastos. nakabikaka at hands akimbo so yung elbow nya eh nakadikit na sa tagiliran mo (o side ng dede mo!. simpleng tsansing di ba?
pag di ko madaan sa killer look, sasabihan ko na talaga ng ‘ano ba mama, sobrang laki pa ng bayag mo at di mo makipot yang hita mo?!’. o kaya babasagin ko na ang mukha nya.
so far…nadadaan ko pa sa nakakamatay na titig.
hehehe
di ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganyang lalaking sumsakay sa dyip. paki-explain nga ng mga lalaki dito…;)
baka naman my kulane sa singit o takot maipit yung yagbols, o kaya naman mali ang size ng pants na nabili, o kaya baka kala nya nung magbayad sya e nabili na nya buong upuan ng jeep, kakandungan ko sya pagka ganun sya lol
hahaha! Ate LEE!
ROFL…
hindi na ako makahinga sa kakatawa sa comment mo.
the best ka talaga sa hirit!
Madalas sa harap ako nakaupo, para siguradong walang mag-aabot. hehe
[...] My other problem with hinog na langka is that I can’t digest them these days. Eating too much of those has been the cause of recent revolutions inside my stomach. [...]
Hi Ms. Glo. Ang cute naman ng anak mo.
Share ko lang natuto akong sumakay ng jeep at the age of 15. Nahihiya pa akong pumara kaya madalas lampas ako sa bababaan ko.
During my college days naman. Masa ako ng mga jeep na nasasakyan ko from Stop and Shop. Masandal tulog.
Remember ko din kapag kasabay ko ang mga klasmeyt kong vaklush at kami lang ang laman ng jeep. The one near the driver would say, “Mama, para na sa side.”
At hindi ko makakalimutan ang traumatic na holdapan sa jeepney. Kabisado ko na ang gawi ng mga ayuf kapag sabay-sabay na aakyat sa alanganing lugar. May ilang weeks din akong na-praning sa pagsakay ng jeep thinking na ang mga katabi ko ay potential na holdaper.
hello yami, salamat. syempre palakpak lagi ang tenga ng nanay pag may pumupuri sa anak. hehehe.
naku talaga! takot din ako sa mga holdapen sa jeep. and then andyan pa yung mga mandurukot. hayy naku mahirap magtiwala.
sa manila noon, i dont wear jewelries pag nasa dyip. nakakita kasi ako ng hinablutan ng necklace! grabe sugat sugat ang neck nung babae. kawawa! natulala na lang.