Tama bang dagukan ang mga bata?
Nadekwat ang litratong to dito
I will never have a kid. Many years ago, I learned from my gaynikolodyizt na tabingi daw ang matris ko. And so I may not be the right person to be blogging about… kids. Especially pag mga anak nang impakto. Alam mo yon? Dahil If I really was a mother? Hindi lang dagok ang aabutin saken nang mga yan. Isasabit ko ang mga yan nang patiwarik sa dingding.
That’s why when I saw this video many years ago, comedy daw sya, it was soo funny, I actually forgot to laugh! (Sorry, ninakaw ko lang ang linyang yan.) But here’s the video. Watzhing nyo.
When I saw the video many years back, sabi ko nga – eh anong nakakatawa dun?! Ba’t di nya sinipa? Dinagukan? Binalibag? Sinapak? Tinadyakan? Tinuli nang walang hustizya?
Well… malaman laman ko, ang video pala na to was made in Sweden. SWEDEN?! Yeap. Sweden. Dahil in Sweden, bawal sumapak and make dagok sa bata. In fact, takot na takot na ang mga payrents to even hit the kids there eh kasi nga baka ipa-baranggay sila. Result? Tingnan nyo naman. Dinadala na lang nila sa comedy, but I’ve read news na eto na raw talaga ang buhay sa Sweden. (Source nang chika: Smacking kids is never acceptable: Swedish politician)
But not to these group of people. Sino sila? Well, ang nalaman ko was that, karamihan pala nang mga CEO have one thing – overwhelmingly in common. As children, they were paddled, belted, switched or swatted. Kita nyo?! Eh leche! Hindi pa ako CEO. Pero duda ko, magiging CEO ako dahil I remember, kung habulin ako nun nang nanay ko nang dos por dos, ikot kami sa barrio! Mabilis lang talaga akong kumaripas nang takbo. Kala ko nga, fraternity yong napasukan kong bahay namen. Araw-araw, final rites. Latigo, di na umumbra saken. (Source nang chika: Hit with the question: Were you spanked? CEOs say yes)
Pero sa totoo lang, ang result nang leniency nang Sweden sa mga junakees nila eh tipong nag-bunga nang kung ano anong mga negatibong resulta. Gaya nga nang reklamo nang isang kulumnista nila. Eto sabi:
On August 16, 2003 the Swedish columnist, Linda Skugge wrote: “We are bringing up a generation of monsters” and on July 4, 2005, the journalist Roger Lord wrote the article: “The children are embarrassing Sweden”. Despite the negative Swedish experiences, certain politicians in other countries are trying to enforce similar legislation. (Source nang chika: Smacking children is not harmful)
At mas lalo naman dito sa Amerika. Oras na tinira mo ang mga batang to, leche, nag-titili ang kotse nang parak sa tapat nang bahay mo, me posas ka pa.
Sabi ko nga, tabingi ang matris ko. Para saken lang, alam ko ang tama. Alam nyo na ang gagawin ko sa mga impaktong bata sa mundo na aarte saken nang ganito. Hahagupitn ko nang dos por dos na me pako bawa’t kanto. Charing! Hahaha!
Eh kayo? ilang sakong kendi ba ang pang-bait ninyo para tumahimik at tumino mga anak nyo, aber?!
Update: Thanks to Promking & Monique:
Viewed 8102 times by 2133 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.














It depends on the situation! But at many times, ay ang sarap dagukan, lalo na yung mataras ang dila masyado at palasagot…always have the last words! They tend to be that way when they grow up, kaya kailangang supilin para pag laki nila they know when to open up their mouths! Don’t wait for someone to tell them….”TIME OUT!”
Kaya naman makita mo ang difference ng manga bata sa Pinas against the western world! I remember my American friend who’s a teacher shared to me her excitement having this newly (bagong salta) Pinay kid who is extremely so polite and courteous but didn’t take long nag blend in yung bata at naging maharot at magulo sa classroom! Hahahah, what can … say you? Bata kaya ganoon, hatural ‘yung pero kailangang talaga ang guidance/discipline ng magulang habang lumalaki! Good manners/behavior will always be here…
ay naku! di pede sa kin ang mga batang ganyan! tlagang ibibitin ko patiwarik! buti na lang allergic ako sa mga bata!
hehehe pai-iinumin ko yan nang syoktong para matigil hehehe
chi, yan din ang panakot ng mga magulang ko sa akin noong unang panahon. lol!
O di kaya, luhod na nakadipa! Promise. buti na lang walang asin o monggo.
wala yan! alam mo ba kung gano kasakit ang walis-tingting??? hahaha! naha-halatang kaleche leche ako nung bata pa ang lola nyo hahaha
tama lang naman ang disiplina, kailangan sa bata yan. Kailangan nya ng safe and secure environment. Kaya kung tuturuan natin sila, ie, papaluin minsan, pagsasabihan minsan, tama lang yon kasi we are training them to be good citizens of the world. Paano na lang kung pare-parehong spoiled na mga bata, gaya ng sa quote mo, we can’t run corporations, business, be good leaders, kasi nga kapag lumaki na sila, they can just do whatever they want.
aba ako yata ang pinaparinggan nitong entry na to! hahaha
ako dahil tatlo ang anak, talagang ginagamitan ko ng kamay na bakal.
talagang kailangang sutilin dahil kung hindi….kakainin ka ng buhay ng anak mo! hayun pag nasa labas talagang hindi maiwasan ang mga bata na nag papakitang kaya nila mga magulang nila…..dahil alam nilang hindi mo kayang saktan pag nasa labas….kaya si bebot sinususian (kinukurot sa gilid) para walang makakita….iyun nga lang bigla na lang iiyak ang bata…hahaha kanya kanya talaga ng pag disiplina at kailangang disiplinahin dahil ang mga bata naman ang makikinabang dun, dadalhin nila yun sa kanilang pag laki.kailangan ng paulit ulit na sermon, kaya malalagas talaga ang lahat ng buhok mo…
Alam mo Reynz, nung bata ako, kala ko eh normal parenting gesture ang pagpalo sa anak dahil halos at sumumpong tigas ng ulo ko eh hinahabol ako ng nanay ko. Pinag uusapan pa namin magkakaklase kung pinapalo kami ng mga magulang namin at payabangan pa kung ano ang pinangpapalo. Buti na lang mahabng kawayan lang gamit ng nanay ko.
Sa US naman, na experience ko makita na naparanoid anak ng kaibigan ko dahil sinampal sya.
Nanay: *wapak* sinampal anak na babae, 16 yrs old dahil 11PM na umuwi at di nag paalam.
Anak: Iyak *sigaw ng OMG! OMG! OMG!*, sinagot ang nanay
Nanay: Sinampal sa kabilang pisngi
Anak: I’m going to call child services!!!
Nanay: Go ahead! It will take them 45 minutes to get here. And in those 45 minutes, sisiguraduhin ko na bugbog sarado ka!
Anak: Fine! You’re so unfair! *akyat sa kwarto at nagkulong at di tumawag*
exactly. i’ve heard this same story from Russel Peters.
He is a stand up comedian that always talk about why Americans should be beating their kids.
rob,
yan ang typical lines nang mga bata here. they would not even listen to you right? pero pag sinabi mong isusumbong mo sa teacher? watch the reaction.
spare the rod, spoil the child.
latiguhin na yan. hahaha!
grabe ka naman mel! =)) baka ka hulihin ng bantay bata 163!
hahaha! kung ako lang mel, lalatiguhin ko yung tatay sa video! pwede sya di ba? hahaha
@Rob,
Try niyo po hanapin yung video sa youtube ni Russel Peters, he’s an indian stand up comedian. I think it’s one thing na in a way katulad sa ating mga lahi, namamalo tayo ng anak– unless nasa Sweden ka or sa states, where you can call “child service”. Yung tipong, pag may ginawa kang kabulastugan eh sasabihin ng tatay mo, “someone’s gonna get hurt”
Ako naman, hindi sa ayaw kong mamalo. Being a mom myself I think there may be times where I have to spank her. Ang difference na lang siguro sa pagpalo ko at ng mga magulang ko sa akin, ako, mag-eexplain why, before, they never did.
sinabi din ni promking yan ah. di ko alam. makita nga’t maipost dito. thanks sa tip.
yung link ko po, diretso sa you tube video po yun..
di ko lang in-embed.. eto siya
ay .. hindi gumana..
click this na lang
Yep, if they revert to diplomacy, ako hindi! I don’t want my son growing up as an asshole. Sisiguraduhin ko na di mawala Pinoy values sa kanya.
Ganyan din dito sa Germany, bawal manakit ng anak, kasi kapag marining ng kapitbahay na sinasaktan mo ang anak mo o grabe ang iyak, sila na mismo ang tatawag ng pulis, at pag napatunayan na malupit ka, kukunin talaga ng child authority ang anak mo, allowed din silang magsumbong, kaya ang mga bata dito karamihan walang disiplina, grabe kung sumagot sa magulang
kaya ayun i posted russell peters, first time kong napanood yan. karamihan dito sa Amerika, mga impakto na rin mga bata dahil uber na kasi ang child protection. there really is nothing wrong naman sa act na un kaso, somewhere along the line, somobra. iba na ang epekto. ilan na ba ang mga nagbarilan dito dala nyan
“Dahil If I really was a mother”…haha, i love it!
having been a stay-home dad, i really learned how to become a mother—minus the breastfeeding.
some spanking are just plain abusive (like the kind from a drunken outrage). spanking sometimes is done just “to get the kid’s attention…but really, short-cut ito dahil there many other ways to get a child’s attention.” and, in general, spanking is usually coupled with the parent’s anger so the act can be quite aggressive, violent, and physically and emotionally harmful. as a rule, an adult should avoid touching a child when s/he is angry for it may lead to worse consequences for both the child and parent.
regardless of the consequences that u give, always make sure that u explain to the child why it was done and talk about how to better communicate next time.
pasensya na po. magigizing den ako sa katotohanang puro lang pala pantasya ang mga to. hahahaha!
“In fact, takot na takot na ang mga payrents to even hit the kids there eh kasi nga baka ipa-baranggay sila. Result? ”
Hah! Reynz, not only there but virtually everywhere.
When my youngest baby boy was about 9, I spanked him for being naughty. Alam mo ba ang sinabi sa akin… I will go to the police. Gosbamacked ako, and I asked why? Because it’s illegal for parents to spank children. Naku, instead of being angry, natawa ako.
Where did he learn that? Of course, that’s what they talk about in the playground so all the kids think they can take their parents to the police kung napalo sila.
Anyway, I told my son, sige, I will spank you 100 times with a belt (coz, I’d only spanked him with a rolled magazine) so it will be worth your trouble to take me to the police… Takbo na lang siya. He never brought up the subject again even when I spanked him again for being naughty. Hah!
bakit nga ba ganong kahirap mag disiplina ng mga bata ngayon? kahit ayaw mong manakit, minsan ang hirap pigilan..nakakapanakit ka pa rin..nakaka guilty naman pagkatapos..haaayyy
ang hirap siguro maging parent talaga noh?
Bat mo babatukan ang anak mo, pinapahiya mo lng ang bata. Kadalasan ang pambabatok sa bata ay nag papahiwatig sa kanya n bobo siya, mangmang, o walang alam. Mramin paraan para madisiplina ang bata. Pwede mo namang paluin ang kamay o kaya pagsabihan pero ang pambabatok eh “foul” yun at hindi tama
may punto si clarck.
at dahil diyan.. pakibisita ang kanyang website at alamin kung anu-ano ang mga parusa na pwede mong ibigay sa mga bata.
pagkatapos basahin, gumawa ng mga pamplet at ipamigay sa mga kapitbahay na foreigner.
do it in 6 hours.
EXACTLY! Please don’t touch the head. Head is off-limit.
My wife is the one guiding me tungkol sa pagdisiplina ng bata because she doesn’t believe in corporal punishment.
Sabi pa nya, in her entire childhood once lang daw nyang naranasan na makurot ng nanay nya. after that wala na.
Kabaliktaran naman ako. but anyway, that is another story.
So hindi ako namamalo, ang gamit ko pala na teknik is “pain with healing effect.”
Actually, ung katawan kasi ng tao may mga points yan. Iyan ung mga points na pinipisil kung you are a reflexologist, or masahista or siatsu or accupuncturist.
By the way, I practice oriental medicine.
Un pisil na lang sa points. sa arms may maraming points na pueding mapisil.
Minsan nung mag salita ng bad words, seven years old ata ang bata nun, pinatikim ng Tabasco. mula noon never heard na magsalita ng F and S words. ang nangyari lang ako na ngayon ang pinapainom ng Tabasco.
Kasama rin ba dito ang gamit ay tsinelas? hehe
Para sa akin,hindi kailangan saktan ang bata para madisiplina ito.Nakukuha naman sa ibang paraan maliban sa pananakit.Ayun kasi sa aking sariling karanasan,yung kaisa isa kong kapatid yun ang lagi napapalo,na sintoron pa nga eh,pero ako hindi dahil siguro panganay,dahil din siguro sadyang mabait ako (ahem,lol) Sa kinalabasan naming magkapatid,yung kapatid ko ang rebelde at kung anu ano kagagohan ginagawa para lang mapansin.Ako naman,nagpapansin din sa positibong bagay.Sang beses,kaming nag usap puso puso baga,nalaman ko kung gaano nya kinasuklaman ang pamamaraan ng aming ama.Masyadong madrama yun sa akin at nasabi ko yun sa aking sarili,na hinding hindi ko kailan man,saktan magiging anak ko.Ganun din prinsipyo ni long nose. So far, ayos pa rin naman aking mga kuto kumakati din paminsan minsan,sinusuyod ko lang hindi ko sila tinitiris mwahaha Luv this topic! pagka time ako,hiramin ko ito
Hindi na uso ang corporal punishment dito. Just removal of privileges works for me. I know how my 11 year old son loves his computer games and playdates with his friends so if he does not behave he knows the consequences. But I try to remind him how to behave properly in social situations and at home because sometimes, they are truly kids and forget how to behave when they get excited. Also, to earn his allowance, he is gradually taking on tasks at home like cleaning up his pockets and segregating light and dark clothes before throwing into the laundry baskets. After playing, he is expected to put away his toys so that everything is in proper place as well as they last longer if cared for properly. Little things like this is helping him to respect others as well as himself.
[...] teka, sounds really good pero, bakit may nararamdaman akong parang hindi ata tama. “Tama bang dagukan ang bata?” dahil parang hindi ata tama ung sinabi [...]
= We cant assume na magiging mabuti rin ang bata kapag laki sya sa palo o bugbog.. depende din yun sa paningin nila. Hindi lahat ng CEO ay lumaki sa palo.. merong lumaki sa pagmamahal na halos lahat ng gustuhin nila ay nakukuha, yun nga lang may sarili silang disiplina..
Merong lumaki sa palo at bugbog na nagigigng worst at halimaw.. para bang naimmune na sila sa sakit ng katawan at saklap ng kapalaran kaya mas matigas ang ulo, at paglaki eh laman ng kalye at laman ng rehas..
Depende yun sa magulang at sa bata.. Kung sa kabila ng pamamalo eh pinaparamdam mo sa anak mong mahal mo parin sya.. i mean papaluin mo lng sya kapag kailanan but then pag gumagawa sya ng kabutihan eh nirerecignize mo rin,.. unlike wag lang konting mali nun bata bulyaw at palo agad.. parang wala ng love dun…. la lng naisip ko lang..:)