Thank’s God… I’m a Woman.
Bakit kamo?
Aba e sa chura kong to, kun naging lalaki ako e pwede ba kong mag polbo ng ilang patong matakpan lang yung mga butas na dinaanan ng mga pigsyawat sa mukha ko? pwede ba kong umarte arte para matakpan yung mga gusto kong takpan?
Nun ngang raw ipinanganak ako e hinimatay si inay, naglayas si itay, at nasampal ng lola sarili nya ng masilayan ako…. e kung sa hospital nga raw ako ipinanganak at hindi sa bahay e magkakagulo, ipipilit nila hanggang husgado na nagkamali ang ospital at naipalit ako sa alagang unggoy nung janitor ng ospital.
Yung mata ko daw maga, puro butas lang ng ilong ang makikita mo na parang tunnel ng minahan sa diwalwal, ang nguso na parang napuruhan ng upper cut ni Flash Elorde, at dipa nagkasya dun, pinuno pa ng balahibo ang buong mukha at katawan, dami kasing paglilihian e balut pa napag diskitahan….sigh!
Kung bakit naman habang lumalaki ako e lalo naman daw akong pumapangit, pagka nga naman inabot ng kapangitan kasabay ng kamalasan.
Lintik lang ang walang ganti sa balut nayan, paglaki ko pramis, ipapa disperse ko lahat ng balut na makikita ko sa basket na nilalako sa kanto…
Ngunit ang aking pangako’y napako….ngayon ko napagtanto kung bakit nahumaling si inay sa balut habang ipinagbubuntis ako….. ako nga e kaya ko yatang umubos ng isang basket na balut at….
teka, teka… bakit napunta sa balut ang usapan……?
Viewed 8553 times by 1954 viewers
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.















ako dapat ang pers beys kay bok!
hahahahaha!
na miss kita bok! haylashu!
teka pasensya na pero kailangan ko pang mag comment sa katuwaan! LOL
nakakamiss si lee e. hekhek.
Lee, namiss ko ang balitaktakan natin dito:
http://barriosiete.com/ang-pagtatapat-sa-ika-4-na-lalaki-sa-buhay-ko/
Hi Lee, namiss ka namin sa barrio, maligayang pagbabalik kaya balik saya ulit, we miss your nakakalokang humorous post
ateng!!! how are you na??
the barrio people has to know your goodness and generosity. i will blog about it soon
sorry can’t keep it as secret anymore
gracias ateng, sabi ng nanay/lola ko. mwaah
tungkol saan yan Malen??
Oy, tingnan ko nga yang post mo.
PARRREEEEKKKKKKOOOOOYYYYYYYYYYY!!!!!!!
~taghoy abot hanggang Tsina~
Hhahahahhahaha…..
Ay missshhhuuuuu!!! ~mwah~
Hahahah
Parang nakakarelate ako sa type ng writings mo parang blog ko lang, full of humor.
Keep it up
hahaha… stress reliever itong post na eto! namiss ko talga ang barrio siete!!!
lee said na pag di daw sya nakabisita uli, expired na naman ang pass nya sa mga chinese hahaha
Hi Lee! Kumusta ka na sis?
salamat salamat mga kababaryo, PA-CHAM (pachamba chamba) pa pagpasok ko dito,will comeback in no time.