The Day After Christmas
The following phone conversation took place on December 25, 2004, Christmas Day.
Nanay Luisa (Novaliches, Philippines): Hello anak?
Tracy (Phuket, Thailand): Hello Nay, Merry Christmas po!
Nanay Luisa: Tracy anak, Merry Christmas din sa’yo. Kamusta ka naman diyan?
Tracy: Okay lang ako Nay. Medyo busy nga dito sa resort eh dahil marami kaming bisita ngayon. Andaming foreigners Nay. Kakatuwa ang mga batang Amerikano, ang kukulet namiss ko tuloy ang mga pamangkin ko. Ikaw Nay, kamusta ang Pasko sa atin?
Nanay Luisa: Mabuti naman anak at nag-eenjoy ka rin diyan kahit nasa malayo ka. Naku, eto ang mga pamangkin mo dumayo galing Isabela, ang gugulo. Nakakatuwa nga eh dahil sa wakas nakatikim na rin daw sila ng spaghetti.
Tracy: Hahaha! Paki-kiss mo na lang ako sa mga pamangkin ko Nay. Huwag kayong mag-alala at malapit na akong umuwi diyan at hindi lang spaghetti ang makakain nila. Tatlong araw na lang Nay, mabuti na lang at napayagan ako ni boss na umuwi para sa bagong taon.
Nanay Luisa: Excited na nga ako anak eh. Maraming salamat nga pala sa pinadala mong pera. Malapit na rin makatapos ang isa mong kapatid. Isa na lang talaga anak. Konting tiis muna ha.
Tracy: Naku si Nanay talaga. Walang problema yun ano. Siyanga pala, pakisabi po kay Trina makakapag-aral na siya next semester. Na-promote po kasi ako Nay kaya medyo tumaas ang sweldo ko dito at malaki-laki na rin ang mapapadalo ko diyan sa inyo.
Nanay Luisa: Mabuti naman kung gayon anak. Matutuwa ang kapatid mo. Nandun siya ngayon nagdu-duty ng partime sa McDo para makatulong daw siya sa panggastos at gamot ng tatay mo.
Tracy: Si Tatay nga pala kamusta na ang sakit niya? Huwag niyong kalimutang painumin ng gamot ha?
Nanay Luisa: Eto siya sa tabi ko anak, natutulog sa sofa. Sabi ng doctor puwede na raw siya maoperahan. Sa wakas gagaling na rin ang tatay mo sa tulong mo anak.
Tracy: Oo nga Nay, salamat sa Diyos at ma-ooperahan na rin si Tatay. Nga pala, dadalhin ko na lang ang perang pang-opera Nay. Sarado na kasi ang mga bangko dito ngayon at bakasyon na, pahirapan na ang pila sa remittance center. Baka ma-delay na naman ang operasyon kapag wala tayong pang-downpayment eh.
Nanay Luisa: Sige anak, sasabihan ko si doctor para ma-schedule na agad sa bagong taon ang operasyon.
Tracy: Nay, marami akong pasalubong sa inyo. Sorpresa na ang iba para ma-excite kayo lalo.
Nanay Luisa: Ikaw talaga anak ‘di ka pa rin nagbabago. Maraming salamat talaga sa mga tulong mo anak ha. Kinalimutan mo na ang sarili mo para sa amin.
Tracy: Asus, si Nanay nagdrama na naman. Di ba sabi ko sa’yo ‘di ako mag-aasawa hangga’t di pa nakakatapos sa pag-aaral si Bryan at Trina. Hindi pa ako aabot sa kuwarenta nun. Hahaha! Oh siya, sige Nay at matatapos na ang break ko. Babalik na ako sa reception.
Nanay Luisa: Sige anak. Mag-iingat ka diyan ha. Pag-uwi mo sigurado akong matutuwa ang tatay mo. Excited na rin siyang Makita ka ulit.
Tracy: Ako rin Nay. Sa susunod na balik ko dito ay dadalhin ko kayong lahat para makita niyo naman ang ganda ng Phuket. Para kayong nasa paraiso Nay. Dito na magpapagaling si Tatay ng sakit niya.
Nanay Luisa: Naku anak, matutuwa yun pati ang mga kapatid at pamangkin mo.
Tracy: Sige po Nay, Merry Christmas po ulet. I miss you and I love you all.
Nanay Luisa: I love you too anak. Bye.
Tracy: Bye Nay, take care.
December 26, 2004
The Indian Ocean earthquake was an undersea mega thrust earthquake that occurred at 00:58:53 UTC on December 26, 2004, with an epicenter off the west coast of Sumatra, Indonesia. The earthquake triggered a series of devastating tsunami along the coasts of most landmasses bordering the Indian Ocean.

photo source: transbuddha.com
Tracy was not able to come home.
Viewed 17971 times by 3115 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.














life is unpredictable and short. ..
One of the things that took time for me to understand is this.
Thailand refused to accept foreign help with that tsunami disaster.
Later on, it made sense. Thailand said (and Pilipinas definitely
knows this to be true) the foreigners are very quick to transmit
their culture to the locals, especially when the locals are in
need of help.
so true and aside from that, those “help” coming from foreigners are not free at all, hidden beneath those sacks and boxes of goods are their interest (to exploit) the country
so sad…
kaya we need to express love to our loved ones everyday… and treasure every moment we can spend with them.. because we never know.. maybe tomorrow will never be the same again….
Merry Christmas everyone
so sad…
kaya we need to express love to our loved ones everyday… and treasure every moment we can spend with them… because we never kno.. maybe tomorrow will never be the same
Ang lungkot ng pangyayari na yan. Oh well, life is incredibly sweet but short.
This is probably one of the saddest day in the past decade.
omg thats like 5 yrs ago now?!!! e parang last yr lan yan ah i remember txting my tta pa nga from jakarta kasi akala ko kasama xa dun wer so scared that time later we know na andito na pla sya nun before yan mangyari haysss….
ang lungkot naman
yan talaga ang mahirap sa sakripisyo ng mga ofws.