Home » Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Opinion

The face of the military sa apat na sundalo

9 August 2009 22 Comments

5480_1138478155919_1646358361_331373_3386436_n

Photo Credits: Yahoo

In America, iba ang tingin nang mga tao sa military. Malaki ang respeto. Ki pulis, ki army, ki navy, ki ano pa man. Oras na you are a member of the military, automatic ang paghanga at pag-galang seyo nang mga tao. Dito ako bilib sa-aking bagong barrio na America ang tawag. Yet make no mistake about sa aking pani-niwala, hindi lahat Perfecto ang mga pangalan nila hahaha! Of course, ilang beses din silang sumesemplang, but for the most part, mas malaki pa rin ang bahagi nang good part sa bad part.

Sa bayan kong Pilipinas, eto kasing lecheng Marcos (sorry Ely! hahaha!) ang pasimuno nang negatibong paningin nang aking mga kabarrio sa military. I should know. Lumaki ako sa barrio. At oras na sinabing military, nangi-nginig na ang mga balahibo namen sa kili-kili. Ganun ang takot namen, nawawala ang aming mga yabolz. Eh kasi naman, oras na tinira mo ang mga ayuff na Marcoses, ora mismo, NPA ka kahit na wala kang kinalaman sa mga kumunista. Leche oo! Wag na nateng pag-usapan ang mga ginawa nila, pati na kamo nang mga military. Alam mo na yon. Di ko lang alam kung anong page nang dyaryo.

Pero etong nangyari sa apat na sundalong to, was different. Nabas-basan sila nang ating Saint Cory Aquino sa ginawa nila. Napansin nateng lahat sila. Tingnan nyo naman ang reaksyon nang mga tao sa apat na to. It’s not 15-minutes of fame, rather 8 or 9 hours standing still. Subukan nyo nga kung kaya nyo aber?! Eh ako nga, kelangan parating me arinola sa tabi. At me aircon sa gilid. Kundi matutunaw ako! Leche oo!

Ang nakakasaket nang loob is that, these are the people whose lives are out there, nakabalandra sa bala nang kanyon, so all of us Filipinos will have peace, quiet and serenity para makapag-gimik at mag-lasing and go home nang alas dos na safe sa bulyaw nang tatay at nanay, dahil bawas ang mga gago sa kalye.

Kaso, ang mga sweldo pala nang mga to eh nag-a-average lang nang P11,000 pesoses a month?! Litsi!!! ~!@#$%^&*!! Mas mataas pa ata sweldo nang mga security guards with P11,001 pesoses a month?! Eh sino ang mag-jo-join sa military kung singko sentimo ang sweldo mo?! Papasok ba sa military ang mga college graduates?!

Litsi! Na-alala ko ang ayuff na $20,000 dinner nang mga impakto sa Le Cirque in New York! Mga kaimpaktuhan talaga oo!

Pero, there was something special sa ginawa nang apat na to. Biglang napalingon at muli pang napalingon ang mga Pilipino sa kanila. Eto na ba ang simula nang ating pag-babagong pagtingin sa military? Sana! Sana!

Oo, me mga bestfriends ako sa military at me mga nephew na graduates pa sa PMA, kahit na me mga impaktong graduates din nang PMA na walang humpay na tinira si Tita Cory nung panahon at ang mga iba eh Senador na! Kaya, wish ko, NOW NA! na sana positibo ang nagawa nang funeral ni Tita Cory sa military dahil minsan, ang mga negatibong attack sa military eh nasa-saktan ang feelings nang lola nyo. Pero wala akong magagawa. Selfish lang ako dahil sa mga pamangkin ko at na-a-alala ko pa rin ang mga ka-klase ko sa Barrio na nag-dis-appear nung panahon ni Marcos.

Kaya may I pray ako, na sana ang ginawa nung apat na guapong to is good enough as a start and a symbol of the changing face nang military, for the better… sana start na sya…

Related Posts with Thumbnails

Viewed 13451 times by 2870 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

22 Comments »

  • dencios says:

    oo nga hano kamahalan bakit ganun sa atin? dito din sa desyerto may takot at respeto sa pulis. sa atin ang panget ng image. tingin ko pareho ang pulis sa US at dubai na nirerespeto ng tao.

    sana nga hano sa pamamagitan nila mag-iba ang tingin.

    kay marcos pala nag-umpisa yun?

    tingin mo pag nag-iba ang type of government natin, mababago din kaya ang image?

    pero nakapagsuot na ako ng uniporme ng pulis. haha

    • reynz says:

      buo ang paniniwala ko na nag-simula yan ki marcos dahil ginamet ni marcos ang militar nun as almost security guards nya pati nga mga pulis grabe nun but over the years, esp nung after ninoy, nagbago sya although i don’t think nagbago na nang buo dahil eto na naman si arroyo ibinalik ata ang multo ni marcos

      • fatherlyours says:

        Reynz, actually hindi naman ganun talaga kataas ang sueldo ng guard. Siguro yung mga nasa bangko at 12 hours duty. Pero halos kalahati na lang natitira sa dami ng deductions sa kung ano-anung anik-anik. Tama ba yun. Ganun di sa military, sa dami ng deduction halos nakasanla ng yung next payday nila.Sa pulis naman ay mas malaki dahil sa dami ng kotong nila. Lalo naman ang mga Tongressman na super laki ang kita dahil sa pork barrel. Yang pera na yan ay tip lang sa kabit nila. Ang layo na ata ng comment ko.

  • jeri says:

    Pagbalik ko d2 sa luanda galing sa malanje, itong 4 na honor guard ang napansin ko, saludo ako sa ginawa nila, for almost 9 hours of funeral march na walng galawan, walng tubig, hindi kumain at kahit na wiwi ay malaking sakripisyo na yun.., sa mga tao na nagbigay supporta kay cory sila humugot ng kanilang lakas… Saludo ako sa 4 na kawal na ito.. they are really a fantastic 4.

  • Silver says:

    9 hours na nakaganyan is WHOA. ang hirap nyan.

    Maliit lang talaga ang sweldo ng mga pules at sundalo dito. Naka!

    • reynz says:

      shock ako sa sweldo silver! dyan nagsisimula ang kurapsyon at di ko maintindihan bat’ di nila ginagawan nang paraan na taasan ang mga sweldo nila samantalang yong iba dyan laki nang porsyento sa mga kontrata sa gobyerno!

  • an2nette says:

    Nakakabilib talaga ang ipinakitang ito ng apat na militar, kahit binato sila ng barya sa mukha, walang reaksyon, tuloy pa rin ang pag iistatwa nila, worth talaga yung sakripisyo nila, at least may biyaya naman silang tinanggap

    • reynz says:

      yun ang di ko naintindihan, ba’t sila binabato nang barya? di ba kabastusan yon???

      • Monique says:

        ikaw naman kapitana, wala ba yun sa barrio niyo yung ganong pamahiin? tuwing may funeral parade yung madadaanan mong mga tao, or yung jip na malalampasan mo tatapunan ka ng barya. correction, di naman yung mga amazing 4 na yun ang binabato… hihihi.

      • fatherlyours says:

        Yung naka navy uniform nung na interview sa TV, ay hindi daw pala talaga honor guard. Kaya lang siya napili ay dahil siya ang nasa tamang tangkad at porma ng katawan. Nung matapos na raw at trabaho nila n halos 9 hours at pinabababa na sila, hindi na niya maigalaw ang mag paa niya.Parang nakapako na daw sa tigas.Grabe. hehehe

  • Monique says:

    Ang usapan sa amin dito sa bahay was pano kaya ‘pag ihing-ihi na sila… yung tipong manginginig ka nga dahil naiihi ka na… hehehe. sobrang galing ng discipline nila. nakakaloka.
    saludo ako sa mga ganitong kawal natin.

    • reynz says:

      umiihi na lang daw sila sa salawal nila pag di na kaya i bet you me mga sakit yan sa bato mga ilang taon lang

      • mtoni says:

        malamang di sila kumain ng husto at konting konti lang din ininom na tubig dahil alam nilang maaring tumagal ang prusisyon sa itinakdang oras.
        kaya meron ako nabasa na sumipsip sila ng tubig mula sa ulan(ung umaagos siguro sa mukha nila) para maibsan lang pagkauhaw. nakakabilib talaga training ng mga sundalo.

  • malensky says:

    i admire these guys.

    totoo yan ‘day! sa barrio namin, pag may dumadaan an sundalo sa kalsada, takot talaga kami. madami kase sa kanila, nang a-abuse ng power.

    one time, magde-deliver kami sa kabilang bayan ng china cabinet , nun may nadaanang checkpoint, ni-confiscate ba naman.

    nagbigay pa ng 800P gawan daw sila ng console table. ang mga hayup, eh hinde naman gawa sa plywood yun. narra kaya yun.

  • Mel says:

    Bongga talaga ang F4. Nung inabot na ng tanghali natakot na ako for them. Kung tayo nga na nanonood at nakaupo lang sa harap ng tv ay napapagod din, sila pa kaya na tumayo ng walang pahinga or bathroom break man lang. Juice ko. Bravo talaga!
    Wish ko gayahin yan, pero in 5-inch heels. Kaya kaya? LOL

  • Angel Cuala says:

    Yes, I am also one of those who admired these soldiers.

    Kung tutuusin, sabik tayo na makakita ng mga loyal na public servants and sincere sa work nila.

    This is one of the reasons why they became instant celebrities.

    Kung ganyan ba lahat ng officials natin e di ayos sana. Hindi yung gumagastos ng malaki para lang sa isang dinner…kaya di maiwasang magduda ang taong bayan e…

  • Ely says:

    Pulis ang tatay ko, pero ni minsan hindi siya umabuso. In fact namamasahe siya sa jeep man o bus. Unlike mga iba dyan na basta naka-uniform eh exempted na sa bayad o kaya ginagawang passes ang ID at badge.

  • mr. nonsense says:

    i used to see the military much like fictional characters…until i married one. military is a real job with very unreal expectations…special talaga sila.http://jesuspaez74.wordpress.com/2009/03/15/soldiers-are-mothers-too/

  • dFish says:

    Truly deserving. Yung tiga-PNP, i susumite na for Guinness Records how about that haha…

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.