The gods I meet at work: An OFW from Indonesia
Hi Barrio Siete Councilors, inhabitants and folks,
Ako po si Cora Dolorosa, babaeng tunay, andito po ako sa Indonesia. Ang trabaho ko po, kung di nag-aabang ng TSUNAMI, tumutugis ng Terrorista. At pag hindi busy, GURO. Laking Barrio Siete po ako, isang Overseas Filipino Worker (OFW) at nagtapos sa isang AGRICULTURAL school ng High School.
I’ve been reading Reynz blog for about 2 months now…. sorry kung late… huli man daw at magaling eh huli pa rin
. I got to know about your blog from Dona Victorina. Hindi dahil palagi kong binabasa yun kundi dahil sinundan ko ang topic about the MLQ3 relative lambasting the intelligence on some readers about the article written by someone named Tsip from HongKong hanggang sa mag apologise nga sya. From then on, regular na ako punta sa site mo to read all the back “issue”. The best article ay ang pagbili mo ng BISKUIT na naka-LATA sa tuwing babalik ka mula Manila. Hanggang ngayon sa Cubao bus station may mga lata pa rin ng BISKUIT na binebenta…. Dun ko na rin nasundan ang project ninyong Barrio Siete!
I want (need) to be part of the (Brigada) Barrio Siete pero sa category B kasi baka di ko kayanin nag requirement “kalbuhin” mo ako…..hahahaha at di naman ako talaga Blogger, palabasa lang ako pero magsulat so far “for personal consumption” pa lang ang mga naisulat ko.
At eto po ang kwento ko…
Ako si Cora Dolorosa
Siempre, bago ako nag-aabang ng TSUNAMI at tumutugis ng Terrorista sa Indonesia, nag-aral muna ako. Nagtapos ako sa isang Mababang Paaralan ng elementary at naka-tsinelas pumasok kasi wala kami pambili ng sapatos. Tsaka di bagay naka-sapatos kasi nasa gitna ng bukid ang skul namin at nagdidilig kami ng halaman after skul…AT di naman ako anak ng Meyor.
High school, di kaya ng Mudra na papasukin ako sa Catholic School (yan ang Bongang school sa amin noon) sa bayan kaya sa Agricultural School ako pinasok ( again sa gitna ng bukid, pero Science class naman–di ba Bongga! Kaya lang Bobo talaga ako sa Maths kaya average student lang ako). Pumasa lang ako sa kaka-social climb. Read: Nanghihiram ako ng scientific calculator, protractor, logarithim chuva book sa mga kaklase ko na WELL-OFF para ma-solve ko ang Trigo at Analytic Geom ko nung 3rd at 4th year.
Kolehiyo — State University sa Taft (di na sa gitna ng Bukid pero sa tabi ng City Hall) Gusto ko man pumasok sa Kolehiyo ng mga YAMING isa lang ang tanong ni Mudra….Gusto mong mag-aral na may LAMAN ang tyan o mag-aral na lang na KUMAKALAM ang tyan. Mahirap naman yatang mag-aral na kumakalam ang tyan lalo pat DI naman ako ganun ka BRIGHT student…slight lang…..hehehehehehe.
Nakatapos at nag-turo kung saan-saan….Una sa AYALA ALABANG…..subconsciously nag-so SOCIAL CLIMB na ako, kaso di kinaya ng powers ko ang UBER sosyal na magulang at management …. tapos BLUE RIDGE sa KYUSI ganun din, nag-MAKATI pero napagod…pano naman lahat ng sweldo ko na pupunta sa LECHENG pambili ng STOCKINGS (SUPPORT) na nag ru-run tuwing sasakay ako ng BUS…..ayun napadpad ako sa Indonesia..pang 7 years ko na dito at lately kumakanta na ako ng “When you wish upon the star..makes no different who you are…..” habang naglalaba, naglalampaso at naghuhugas ng kinainan. Minsan nakakakita na rin ako ng “two blue birds at 3 daga na katulong sa gawing bahay pag di ako nag-tuturo”.
“Mahirap ako pero di ako DUKHA”…
ito ang classic line ko sa mga BOSS ko dito sa BARYO na ang mosque ay kasing dami ng SARI -SARI store sa atin. Sa aking Barrio Siete madali kausap ang mga tao dahil siguro halos lahat ay magkakakilala— kundi man magkakamag-anak. Dahil dito lumaki akong hindi KIMI read: ASSERTIVE (ok Makapal ang Mukha)
Sa Barrio Siete:
- Natuto akong sumungkit (kumuha ng walang paalam) ng bayabas, kaimito at duhat sa bakuran ng may bakuran… at mabulyawan. Ang rason ko kalahati ng dahon ng mga puno ay sa bakuran naming nahuhulog so dapat kalahati ng bunga sa amin din.
- Umakyat sa bubuong ng may bubuong para kunin ang saranggolang sumabit—–dito wala akong excuse pero kailangan kong ipaglaban ang aking saranggola.
- Pakipanood ng Flor de Luna at umupo sa sofa ng may sofa habang iniirapan—–wala din akong excuse dito–addict lang talaga ako sa TV. Lumaki ako sa ganitong buhay…..
Nung magtrabaho ako dito sa “Land of Mosques and Komodo Dragons” kabilinbilinan ni MUDRA na iwasan ang makipag-away sa mga Panginoon (yan ang tawag sa mga BOSS). Pramis pinilit kong magpakabait —-napakahirap pala. Unang-una napakadaming Panginoon dito, at lahat sila may iba’t ibang hiling, opinion at utos… leche!
Below are my encounters with the different pseudo- GODS:
-
Ist god : “Oh, so you are the teacher of my son, and you are a Filipino, when we were in Singapore my son’s nanny is a FILIPINO……….” Pakiramdan ko sinaniban ako ng nasirang FLOR Contemplacion!
-
2nd god complaining to the Principal: “My son’s titcher spiks provincial Engris” …. ang guro mula sa Barrio Siete nasa Principal’s office.
-
3rd god complaining again to the Principal: “My child’s titcher is no good, my son go home and food not pinish..no drink watah also”. Guro mula sa Barrio Siete explaining herself to the Principal: “ The child won’t really be able to finish his snacks…check what is in his lunch kit and how much noodles he has. Even two adults won’t be able to finish that in 15 minutes. About his water, I don’t understand why I need to remind him to drink, in my Barrio Siete kids who are thirsty just go and drink. I can let her son finish his 1 kilo of Mie Goreng and finish his water but the child will be missing a lot of curriculum time. Now choose, I teach the child to eat and drink or I will teach him to speak and comprehend English”.
-
4th god Isa syang Pinoy: “ You know, we in the Central office are doing all our best to provide good working condition for all the expat teachers. You have to realise that you be won’t be receiving this amount if you are working in Manila” . Na-time warp ako..pakiramdam ko panahon ng Hapon at MAKAPILI ang kausap ko.. kulang na lang ang bayong sa kanyang ulo. Igisa daw ba ako sa sarili kong taba (Fine! alam ko ma-sebo ako). Sa awa ng tutuong Panginoon nung sumunod na Term di ko na nakita ang Makapili at di ko na rin inalam kung ano nangyari dahil matapos ako mag-walk out sa negotiation room isinumpa ko sya ng BONGANG BONGA!
-
5th gods Kababayan ni Susmita Sen, Sting at Britney Spears: The teacher from Barrio Siete is going to be promoted—Yahoo! Wag munang magdiwang dahil may CATCH—- Itatapon sya sa paanan ng Mt. Krakatao. Ok, kahit ayaw nya nasa contract: “tyou can be transferred anywhere anytime if need arises.” Ang di makatarungan ang promotion ay to the tune of 50USD and the worst is it will only be given if new contract will be signed—meaning 2 more years on top of the existing contract. No SIGN, No 50 USD INCREMENT. I chose the latter. Pero naglitanya muna ako sa negotiating panel na binubuo ng kababayan ni Susmita Sen, Sting at Britney Spears:
Principal (with Brit accent): We have a complaint from a parent that Filipino teachers have this funny accent. Anyway, could you please open that cupboard and get some stationeries….” Gusto kong sumigaw….mukha ba akong si Lea Salonga…nag hire kayo sa Pinas gusto nyo ng may Brit accent, bat di kaya kayo punta sa England!
Point one, “I did not ask for this promotion. You decided to promote me; thus, you believe in my capacity to run the organisation. Tell me exactly how “much” is this position”, are you telling me that my capacity is worth 50 USD? Get someone who is willing to have that title and I will donate my 50 usd every month for his/her increment.
Point two, “A teacher who works for 6 months and gets confirmed gets additional 100usd. I am being PROMOTED and I’ve been with the organisation for 4 years and I get 50 USD.”
and my final line…
“Most probably you have these notions that back in my Barrio Siete people don’t wear slippers or we live in trees or I am dying to have that title and wear it like a crown on my head……. I maybe POOR but I am not a BEGGAR (translated: Mahirap ako pero di ako DUKHA). Forget about the 50 usd increment. I will work there as you wish but I won’t sign a new contract. I hope that whatever amount you are saving from this will contribute to eradicating WORLD HUNGER and contribute to attaining WORLD PEACE!.” Pang Ms. Universe ang linya……
Gusto ko sanang idagdag na “sya sige abuloy ko na sa inyo yan para pag may pumanaw sa organisayon ay din a ako mag-abalang magpadala ng MASS CARD at KORONA….” Pero naalala ko ang sabi ng Mudra wag mang-aaway.
After 2 months nagkita kami ng Panginoon ng mga Panginoon at nalaman nya ang nangyari. May dumating na parcel (kontrata ang laman) at tulad ng mga puno ng bayabas at kaimito sa Barrio Siete medyo hitik….so, GO and SIGN ang guro……hahahahhahaha wagi ang tiga Barrio Siete. Kung drama mo sa buhay ay magpaka-atribida, pangatawan mo hanggang dulo.
Sa ngayon may mga nag papanginoon-panginoon pa rin …… at dumadami sila…. Aiiiiiiiiiyahhhhhhhhh ang hirap magpakabait!
… nga pala, meron pong litraks na pinadala si Cora, patunay daw na hindi sya engkanto, but kabilin bilinan na wag daw muna pong ibabalandra. nakatago ang kanyang litraks sa baul ngayon. nakasusi na sanlibong kombinasyon at ilang orasyon bagu mabuksan.
Viewed 10254 times by 1526 viewers
Cora Dolorosa is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.














[...] Find out more about our OFW from Jakarta, Indonesia in Barrio Siete. [...]
Welcome sa Barrio Siete “Cora Dolorosa”, we hope you’d share more of your OFW Life Stories and maraming salamat for sharing your work story!
Salamat po Ina …..sa pagkakataon. pasensya na at late ang replies….pinatawag ako ng mga panginoon sa isang pagpupulong kaninang umaga…wag mag-alala di ito about promotion hehehehe….trabaho..trabaho..at walang katapusang trabaho
hahaha….kakatuwa naman ang estori nitetch!
Welcome sa barrio siete cora!
Salamat po!
cora,
pabalik-balik ako diyan noon sa indonesia dahil may client kami.
maloka-loka ako sa oras nila. ewan ko pero yong client ko pagsinabing alas nuwebe, dumarating alas onse or alas dose. sobra pa naman ang traffic sa jakarta.
hindi pa naman maruong mag-english ang mga nasa restaurant.
minsan nag-order ako ng almusal. sabi ko SUP kaki. muwestra ng waiter yong tuhod niya.
hindi naman khaki ang suot niya. yon pala para yatang bulalo.
noong umorder naman ako ng refreshments para sa boss ko na sumama sa aking minsan, kala ko coconut juice ang naorder ko. yon pala parang ice cream. bawaha.
nang nagrequest naman ako ng magmove ng kuwarto sav hotel, pagod na ako kamumwestra, di pa ako naintindihan. ssus.
sus, walang sense of time ang mga tao dito….one time may meeting ako akala ko aabutan na ako ng aking Birthday sa paghihintay…..48 years akong nag-abang ng ka-meeting…kaloka!
hanggang ngayon prolema pa rin ang pag-i-Inglis dito although not as bad as 6 years ago. nung unang dating ko order ako ng “coke” at palaging wala daw.dalawang linggo na akong at palagi walang coke hanggang tumayo ako at kumuha ng bote ng coke sa gilid ng “warung”…yung pala dapat “COCA-COLA” …aiiiiiiiiiiyaah!
Alam mo Cora, kahit saan merong “panginoon” or “Doreen”, base yan sa karanasan ko, dahil nakailang empleo na rin ako and almost always, i ran into characters. Siguro nagkakaibahan na lang nang tindi nang pagiging lordy lordy.
Then again, when you are an employEE at hindi ER, as in employERRR, ganun talaga ang role naten, lunukin na lang at tumango tango minsan.
Anyway: winner ang line na to hehehe!
hahahahahahaa……minsan nga gusto ko na ring isama— kumausap ng mga Bulkan!
bungga naman ni cora! mi goreng, hahaha!samahan ng sambal, masarap din ang sate pag katabi si sayang, hahaha! ikaw ba eh me sayang na dyan?
Sayang……naku malabo! dito kailangan may dala ka palagi “white flower” –sagot sa HILO. Get the drift?
Mie Goren, classic line ko pag umuuwi sa Pinas…sasaksakin ko ang mag-alok sa aking ng Pansit! hahahahahahha
welcome sa barrio siete cora, magandang kuwento na kapupulutan ng mga aral, dito sa germany ganon din kaya lang palaban kami eh, kaya di uubra ang kalahi ni hitler
actually dapat naman ganun PALABAN pero nasa tamang perspectib…..tama naman si MUDRA sa pangaral nya na wag Mang-aaway….pero di naman nya sinabi na wag MAKIPAG-AWAY!….di ako nang-away pero pag inaway ako at may kasamang pang-aapi….GO…
bakit kaya ganun, kababayan naman, pareho naman nasa malayo, tapos, haaayy… baka kailangan ng straw!
dapat yan yung kakwarto nung kasamahan namin dito eh, nung nahomesick pukpok ng martilyo inabot nung mga kasama sa silid.
peace!
hahahahahahaha..wag kang mag-alala pumasok sa isipan ko yan…na sunugin ang building..
naalala ko yung bahasa instructor namin, ang tigas ng accent masakit sa tenga lalo na kapag nang-aaward. hahaha
ate cors, ingat ka na lang diyan sa land of million mosques. kahit saan din naman ganyan ang mga bosses, basta’t nasa posisyon sila ay parang nasaniban na rin ng powers ng X-men kung umasta. chos
maraming salamat…..mababait ang mga local dito mataas pagtingin nila sa mga Pinoy, ang mga taga ibang Nasyon ang mapanlait….sana lang tutuo ang kanilang mga credentials….
nyahahaha. like ko to:
“Kung drama mo sa buhay ay magpaka-atribida, pangatawan mo hanggang dulo”
actually, marami din kasi dito ang nag-aatri-atribidahan pero pag nagka-ipitan either nabibili sla ng 50 usd or nagkakaron sila ng psychogenic fugue na limot na nila ang kanilang mga binitawang salita…..yung worst magtuturo sila……aiiiiiiiiiiiiiiyahhhhh
At saan man sa mundo, ang Pinoy, hindi dapat magpatalo.
Sana mahawaan ako ng pagiging atribida. Mukhang kailangan ko yan.
that mentality of being pa-awa and pa-kyeme and “wag na, kakahiya” doesn’t seem to work with Americans either. they don’t understand it. biktima ako nang ganyan and i know, walang masama sa culture na yan KUNG DUN saten, but over here, they tend to see it na isa kang weakling na kayang alipustahin at punit punitin kaya nag-hirap ako during my first few years sa Amerika until na natuto akong tumayo sa sarili ko at maging agresibo.
mula nun, nagbago ang takbo nang aking “what is life” and i think, isa yan sa mga reason ba’t ako nakarating sa akong present position ngayon dahil mistulang Merkano na rin ang ugali ko in some ways although pag binuksan mo ang puso ko *hikbi* Dalagang Filipina pa rin akong madaling masaktan *hikbi*
right ka dyan REYNZ, me din tinapon ko na yang culture na yan kasabay ng pagtapon sa amin ng company ng hubby ko sa ibat ibang parte ng mundo. ibat ibang klase ng tao and karamihan mababa ang tingin sa PINOY kya dpat marunong tayo magstand for our rights.
alam mo GIRL, isa lang natutunan ko..PAG TAMA KA, balibaliktarin man nila ang kwento TAMA KA…at sa kaduluduluhan ikaw ang WAGI! basta pangatawanan at panindigan mo…may mga panahon na may mga lapses din ako sa judgement sa situation….I take resposnibility of those decisions na mali…..heheeeh TAO lang po di po ako Panginoon!
hehehe, ako, pag pinapakilala ng bosing ko sa iba ganito ang linya: this is roni, don’t challenge him, you wil suffer, hahaha!
Bravo!!! hehehe. Natutuwa ako magbasa ng mga kwentong palaban. Dapat lang wag magpa-api!
Wag pa-aapi at wag MANG-AAPI!
Natural sa mga Pinoy talaga ang maging palaban, namana natin yan sa ating mga ninuno mula pa kila Andres Bonifacio.
Mabuhay ka Cora! God bless you!
thanks!
Andres Bonifacio, pinoy din ang nagpabagsak dito, siguro kamag anak nung mga nakasamang pinoy ni mam Cora…
peace!
ay tumpak ka dyan Alex, sabi ko nga ang mga iba dyan ipagkakanulo ka ….bukod sa mga panginoon madami dito Judas at Pontious Pilate….
Welcome Cora Dolorosa! Kami’y nagagalak dahil ka-Barrio ka namin. ^_^
Thanks….at maraming salamat din sa pagbibigay ng DAAN….alam ko sa mga Barrio Siete sa atin marami pa rin ang LUBAK……
Cora,
we’d like to hear more stories from Indonesia! thank you for your contribution!
I stayed in Indonesia for a month in 1999. Nag-training kami sa PT Peni in Cilegon City. Kaloka, everyday ang breakfast sa hotel nasi goreng – yong may chicken and egg. Siguro after a few days, pinatigil ko na yong pagdadala ng nasi goreng, boiled egg at hot tea na matamis. Lahat ng pagkain maanghang. Nagkasakit talaga ako – as in bigla na lang nahilo at nagsuka sa kakakain ng nasi goreng at maanghang na noodles. Pero may resto na masarap – yong Sari Kuring Indah (hindi ko alam spelling). Sa McDo walang kutsara at tinidor kasi kamay lang gamit ng mga tao. At grabe kakahilo talaga amoy nila. Sa totoo lang pagbalik ko sa pinas – lumuwag lahat ng damit ko. Ang laki ng pinayat dahil hindi ako makakain at talagang nagkasakit ako sa pagkain, sa amoy, etc.
Tapos hindi ko pa alam ang amoy ng durian noon. Bumili ako ng bavarian sa dunkin – durian pala ang laman – kaya pala yong ref ko adi ko alam kung ano amoy. Maloka-loka na ako sa kakahanap ng amoy hindi ko makita – yong donut pala ang umaamoy.
Dahil right hand drive sa kanila, kakalito sa daan. Buti na lang provided kami ng service with driver dahil nga on-training kami. May service kaming Kijang (Toyota FX) at medyo marunong mag-inggles yong driver.
nahanap ko rin sa wakas…..
hay naku ms. cora…panalo ka talaga…
ang di ko makakalimutan eh nung kinausap mo ako ng one-on-one sa principal’s office nung time na nagiging pabaya ako sa work ko…
hay naku sa ating paaralan nga naman, sink or swim ka… so swim ako!!! hala kampay ng kampay!!! makainom na ng tubig..keber..basta kampay…kailangan ng pera eh. pero shempre, wag naman to the point na isusubsob ka na sa ilalim ng tubig, minsan nakakatapik din ako ng mga kamay…
san ba paroroon at makakarating din tayo (sana) sa isang lugar na wala masyadong maraming panginoon (at oo, lalong dumarami, sa sobrang dami, kahit ang ulo namin dito eh hindi kilala at hindi na mabilang sa sobrang dami nila)
aabangan ko ang susunod mong mga articles…panalo ka!