The Knights Temprel (Knights ng Templo ng Reyna Elena)
Lahat ng bagay nag-e-evolve. Bago pa umusbong na parang kampupot ang Barrio Siete, syete na sa ibang barangay at kabilang ibayo na magtatayo si Capitana ng sariling barko websayt.
At bago ko pa ma-confirm, nakabalandra na ang pagmumukha ko dahil naipa-blotter na pala ako sa barangay.
Akala ko ako lang ang nakakapansin, pati pala ang Capitana. Na bago pa maitayo ang Barriong ito, meron na pong unofficial defenders of the universe ang Mahal na Reyna. Bago pa isinilang ang mga Pom Pom Gurls, meron nang sikret serbis na samahan na walang ibang objective kundi ang wag ma-assasinate ang aba ginooo palang Reyna.
Ito ang super mega powerful na triumvirate na Knights Temprel (Knights ng Templo ng Reyna Elena) na pinangsasamahan ng tatlong itlog na sina Buraot (sempre bida ako, ako nagsusulat eh), Bluepanjeet, at KotsengKuba.
At tuwing makikipagrambulan at makikipag-ngudngudan ng panga ang Reyna sa kung saan saang lupalop ng buladasphere, trabaho namin na siguraduhing kahit magpaulan ng pana si ben boga at magpamudmod ng boga si boy pana, hindi tatamaan ang reyna.
Kahit pa yakang yaka naman ng reyna ang mga kalabang puro naman despalinghado dahil me mga sayad sa kanilang mga left hemispheres, andun pa rin kami para magmasid at magsilbing wingmen. Kung di mo alam ang ibig sabihin ng wingman, patubo ka muna ng wing.
Para kaming taong-labas, kapag may threat, dun lang kami lumalabas. Dahil we wanna make sure the queen is safe. Dahil pag nagkataon, sira ang social climbing churva nating lahat na mga patay gutom bloggers.
Kaya naman na tats ako. Oo tinats ko ang sarili ko. Dahil kaming tatlo pa rin ang defenders of the universe ng bagong tayong republika, ang Barrio Siete. Kaya wag ka nang magtaka, hindi lang dahil sa angkin naming batuta kaya kami naging Barangay Tanod dito.
Dahil ang buong barrio ay umaasa sa reyna… nandito na po kami, reporting for duty.
Wag kang tango ng tango. Ilabas mo ID mo.
Viewed 9187 times by 1536 viewers
BURAOT is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.














ang cute, parang 3 musketeers!
ha ha ha.
ang secret service ng barrio capitana, bow!
bagay na bagay. YEhey!
malupit!!!
Dapat mga naka salakot at itak kayo… hahaha
yeap dapat tabak haha
I am happy for this, we got reinforcements. hahaha!
Yan ba ang sinaunang Voltes 3? hahaha! asan ang dalwa? hahaha!
hahaha. nagre recruit pa…
Hihi kyut!! Parang pulis pangkalawakan!
waaaa muntik ako nahulog sa upuan, ang cu-kyut nila
Cute nga, para ring Lord of the Rings!
si Chuva kausapin mo dyan sa Templars na yan hehehe ayokong pakinggan yan kasi natatakot ako hehehe
wig ang pinatutubo ko, hahaha!