The Reason Why I Picked Up a Guitar and Got Drunk with Music

Nung ako e medyo bata-bata pa *aherm* highschool, I really loved music. Ang mga melodiya sa radyo ang aking kasangga kapag ako e nag-iisa, ang mga nota ang nagsisilbing kaagapay sa hirap ng pag-aaral at nangarap din akong humawak ng instrumento. Matindi din siguro ang pagkakamana sa akin ng mga magulang ko ng musika. Ang aking inay e mahilig sa kanta ni Karen Carpenter at Olivia Newton John. Ang aking itay naman e pinalake ako sa rock songs ng U2, Toto, America, Stone Temple Pilots, Pink Floyd at Nirvana.
Sa totoo lang, sa rock music ako mas nagkainteres at nacurious ako na mag-gitara. Nagkaroon ako ng musical heroes ika nga. Kung si Itay e hangang-hanga kay Jimi Hendrix at Carlos Santana pagdating sa pagigitara, meron naman akong Scott Moffat, Avril Lavigne, Alanis Morisette at Wes Borland. Sa lyrics at melody naman, pasok kay Itay ang Stone Temple Pilots, Pink Floyd, Toto, Eagles at Black Nazareth. Pagdating dyan, sa akin naman e combination ng melodies from Linkin Park, Lady Gaga, Avril Lavigne, Splender, Alanis Morisette at Filter.
In short, kasalanan nina Scott Moffatt, Avril Lavigne, Alanis Morisette etc. kung baket ako dumampot ng gitara. Hahaha.
Hindi pa naman ako ganun ka-bihasa sa pagigitara. Pero marunong kahit basics lang. Matagal tagal na akong di nagigitara eh. Itinigil ko pasumandali dahil sa kelangan ko maghinay sa aking mga hand activities dahil nga sa madalas akong magtype (gawa ng aking pagsusulat) at may nararamdamang ngalay sa aking mga kamay at daliri paminsan-minsan. Ayokong ma-carpal tunnel noh. Pinayuhan ako ng doktor na maghinay sa aktibidades ng kamay dahil ang isang ugat ko na tumatakbo along the length of my arm at malapit sa dibdib e nakakaramdam na ng konting gasgas.
Pero kahit na. Kahit na natuto ako ng ibang musical instrument katulad ng drums, gitara pa rin ang gusto ko. Feeling ko kasi e kaya kong gumawa ng sarili kong komposisyon. Feeling lang. Feeling na feeling lang.
Ewan ko ba, may creative freedom pag nakakahawak ako ng gitara. Nakakaawa nga lang ang lumang gitara kong si Kokoy dahil matagal-tagal ko ng di pinapalitan ang string. Gasgas na at medyo sintunado pa. Kaya heto’t balak pagipunan ang pagbili ng electric guitar naman. Trip kong bilhin kahit yung Gibson Stratocaster man lang. Hehehe.
Sana magkaroon ulet ako ng time sa pagigitara. Nakakamiss din pala ang tumipa at magpakalasing ulet sa musika.
Btw, here’s video clip ng mga paborito kong kanta sa Moffatts at Splender:
Photo credits: deviantart.com
Viewed 9537 times by 2351 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














@silver. It is therapeutic din ang paggigitara sa paglalakbay sa mundong ibabaw. Excellent lists! patuloy na nag evolve… ang bago ngayon ay tatanda din years and years from now.
noon darbs, ang galing galing ko nung stairway to heaven something and i could play that on the guitar! waaa! i wish i still could, kaso i have not seen a guitar mula nung sumabog ang guitara ko nung early 90s at yun hehehe
stairway to heaven nga!
grabe buti di kita narinig tumugtog nyan dati. kung hindi na-inlove ako sayo reynz!
bwahahaha!!!
mostly plucking yan right?
Thanks Darbs.
Therapeutic nga ang paggigitara. At the same time, dumadami din ang kalyo ko. Hehehe.
Interesting. ngayon lang nakapasok ang comment ko. salamat naman at ang akala ko na ban na ang IP ko dito. wag naman sana.
dapat madam mgrecord ka minsan para marinig namen boses mo..request lang po.
sino sino ba mga myembro ng banda dito at banda doon.
Nyahahahha. Baka makarinig ka ng palakang naiipit sa dalawang bato. Heheh.
ang mga comments mo darbs eh napag initan ni akismet at sinalpak sa spam. here’s the problem, minsan umaabot nang 100 plus ang spam at hindi ko na ini-isa isa dahil andami ang i just automatically delete them. i hope walang nadaleng comments mo dun hahaha
hello silver, ako din medyo marunong mag-gitara. nagsimula yan nung high school kasi meron kaming rondalla class.
hindi ako rocker. in fact last year lang na-introduce sakin yan ng aking friend na 10 years older than me.
hehehe.
kanina lang pinag-uusapan namin…na it’s been YEARS since last kami humawak ng gitara.
sa akin kasi ang marunong mag-gitara eh may pagka-loner and mysterious effect!
hehehe.
actually glo, ang gitara is one powerfull social climbing tool. di ba? pag me gitara ka, dami mong friends sa school hehehe
YES! and then kung girl ka na may bitbit na gitara palagi? wow…you are sooo COOL! so lapitan ang boys.
hehehe.
Glo at Reyna,
Korekek. Epektib social climbing tool ang gitara. Heheheh.
kaya kong kumilos maghapon ng tuloy tuloy at kahit alang kausap na tao basta me tugtog. maliban sa pagluluto eto ang isa pang hilig ko. minsan nasasabayan ko din ibang kanta at kahit di maganda boses palagay ko nasa tono naman.
Toni,
Ako din. Deadma ako sa mundo kapag may musak ako sa tenga. Kaya laging pinahuhubad sa akin ni Inay ang headphones ko. Nagiging autistic ako pag may headphones. Hahah.
Ako din mahilig sa musical instruments pero sila wala silang hilig sa akin. hehehe…
Nyahahhaha….grabe naman yan Snow. As in kahit cymbals e di ka type? HHeheh.
[...] Related to the Barrio Sieti’s: Get drunk with the music by Silver [...]
I remember my high school days sa barangay school hehehe sa barrio! To attract gurls, gitara ang bitbit namen! hehehe! Kasama ko mga boys na mahilig mag-gitara and yes, I play the guitar. I was very happy na napunta ako nang Cebu and bought myself a Lumanog Guitar! I even brought it here sa Philadelphia kahit lumang luma na yon, kaso nung nag-winter, pumotok sya! Waaaa!!!
Maganda ang lumanog mudra. At totoong pumuputok ang gitara sa tagal ng panahon at papalit-palit na weather. Same thing goes for the strings.
wow inggit ako sa lumanog guitar mo! ang meron ako nung high school eh peke na cebu guitar. pero dahil maliit yun eh tamang-tama sa akin.
hehehe. ewan kung saang tabi-tabi nabili ng tatay ko.
hehehe
anyways…nung may work na ako…I bought a gibson guitar. ewan kung nasaan na. kakalipat ko ng bahay noon siguro pinamigay ko na.
sinong gusto gitarahan ko ng all time fav na ALL MY LIFE (without i doudt i give you all my life)?
(sabay macho dancing haha)
Dencios,
Si Mudra Reyna daw e gusto. LOL.
pero sa totoo lang ang talented mo talaga teacher Silver. bilib na talaga ako
sarap no parang nakaka tanggal ng stress.
ngak. hahahha. dencios, mahilig lang akong magtry ng kung ano ano. heheh.
sabi ni inay, pinanganak daw akong adbenturista. heheh.
i adore you dencios! hehehe! ilang selphone ang gusto mo? load? meron ka pa? hehehe!
~cry~ di ako marunong mag guitar walang ngturo sa kin e.wala akong alam tugtugin na intrument xylophone lang nong nasa bandaritas ako nung elem. kanta na lang… do re mi…~napapiyok~ ehem…ehem…
Ngak. Matutunan din yan Chi. Kung ayaw mong magkakalyo sa gitara e try mo ang piano.
nag lesson na po ako ng piano kaya lang di nagkabuhol buhol ang daliri ko and yong teacher ko kahaba ba naman ng patpat! kada mali palo! never mind! kakanta na lang talaga ako…~ehem~ lalala….lalala…
Kanta na lang tayo ng “Sound of Music” chi..
Nyahahaha.
Grew up with the same genre of music. I remember that it was during 3rd year high school that I became gaga with rock and alternative music. Glam rock was so popular during those times. 1st year college ay keyboardist ako sa band and halos music ng mga Pinoy bands tinitira namin.
Opo, pati True Faith eh tinutugtog namin. 3rd year college, may kumuha sa akin na band na pumupwesto talaga sa mga bar. Naging guitarist ako at mula nun, di na kami nagkalayo ng pag gigitara. Di ko makalimutan una kong gitara at pedal effects na bunga ng aking pagpapawis sa kili kili (mainit sa stage). Binigyan ko pa ito ng pangalan na Bianca. Idol ko kasi si Nuno Bettencourt kaya binili ko nun ay N2
Nung umalis na ako Pinas eh pinamana ko sa kapatid ko, na sumunod naman sa yapak ko para maging banda banda. Mas magaling syang tumukop. At dahil naiinip ako dito sa barrio namin, naisipan kong bumili ulit ng gitara last year with small amp at effects din. Sya si Natasha. At N4 naman ngayon.
Of all musical instruments, the guitar is so addictive. I remember one time that one of my tito’s even gave a ukelele as a gift. I was only 3 years old back then. Sa tingin ko dun din nagumpisa ang pagkahumaling ko sa gitara. Hahaha.
Nice to know that Rob. Alam mo yun, makagawa ka ng guitar riffs o mapaiyak mo man lang ang gitara na mala-Carlos Santana or Wes Borland e parang ang laking achievement na di ba.
Masakit dahil nakakalyo ang pagitara but once you accomplished something with it – such a joy talaga. I remember the first song that I studied with the guitar is “Mata” by Mojofly.
I loved that song too.
I think it is a Filipino thing thislove for the guitar. I registered my son for guitar lessons and he loves playing so much he plays it more than the piano. For me I adore Jesse Cook, a Canadian Flamenco guitarist. A sample of his rendition of a Dylan song:
http://www.youtube.com/watch?v=zKzlAp7jBps&feature=related
That’s plausible Rosa – that the love for guitars is also a filipino thing. Not only the obsession with guitars but the music as well.
Panoorin din ninyo si Andy McKee sa YouTube. Nakaka inspire at nakakainis LOL!
Nyahahah…
Tingnan ko nga sa youtube yan Rob.
ANg pagtutog ng gitara at pag awit ay bahagi ng aking buhay..mula pa nung ako’y elementaria ay natuto na akong tumugtog ng gitara sa tulong ng aking Kuya.. at yan ang naging trabaho naming magkakapatid, lalo na pag may piesta at kasalan.. hanggang sa kolehiyo ay patuloy ang kultura na aking kinagisnan at malaking tulong na rin sa aking pag-aaral noon.
hanngang ngayon ay buhay pa ang aking gitara, na dala-dala ko pa hanggang dito sa Angola.
Yun lamang po.. Bow!
Wow Jeri, hanggang ngayon pa rin ba buhay ang guitara nyo? Ang galing mo mag-alaga. Parang pet din kasi ang gitara, kelangan alagaan ng mabuti.
Yung gitara kong si Kokoy e medyo napabayaan ko na kaya pag nakabili na ako ng bago, aalagaan ko ng mabuti.
Minana ko pa nga yan sa Lolo ko, na minana rin lolo ko sa lolo nya. ha ha ha.
seryoso;
Alagang alaga ko ang gitara ko na yan,dahil may sentimental value sa akin, at higit sa lahat ang gitarang yan ang malaking tulong para makatapos ako sa aking pag-aaral.
Silver, mahirap bumili ng gitarang pinapangarap mo. Yung Gibson Stratocaster. Hindi kasi gumagawa ng stratocaster ang Gibson. Fender siguro ang ibig mong sabihin, heheh. Ang ginagawa ng Gibson ay yung Les Paul, Flying V, Firebird, Nighthawk, etc.
Kung seryoso ka at handang umubos ng oras sa praktis, ire-recommend ko na bumili ka ng CD ng Guitar Pro 5. Sinkwenta pesos lang sa mga pirata, kumpleto ka na ng lahat ng tipa ng mga 40,000 na kantang pang-gitara. Step-by-step ang instruction.
Kung bibili ka ng electric guitar, subukan mo yung mga starter set ng RJ (Strat-copy), Perfect Pitch (Strat or Washburn), o Yamaha (Pacifica series) o Audioplile (Ibanez). Meron ng gitara, maliit na amplifier, at accessories. Mula P7,000 hanggang P14,000 ang isang set. Kung bitin sa budget ay pwede kang magsimula sa mga Strat-clones na gawa sa Korea, Taiwan o Guagua, may quality rin naman, mga P4,000 pataas. Kung handa ka nang gumastos ay bumili ka ng Fender Strat HSS w/ locking trem, yung gawang Japan, hindi yung California o Mexico.
Sabayan mo na rin ng isang Marshall MG series 10 or 15-watt bedroom amp. P4,000 pataas. Kung nakaipon ka na, mag Marshall MG250DFX ka na.
At kung trip mong mag-gadget para may kakaiba kang tunog, pwede kang magsimula sa ZOOM 505II na multi-effect, ang daming tunog na ang magagawa mo.
Thanks for the correction Tongue Twisted. Baka kasi nasa isip ko na iisa lang ang umbrella ng Fender at Gibson.Heheh. Fender Strat nga pala ang hinahanap ko.
Actually, I am eyeing for the locally made RJ guitars. Tumingin ako ng price sa site ng Gibson at talagang mahal. Anyhoot, there are ways naman to get guitars at cheap prices – isa na dun yung sa RJ guitars and for even more cheaper prices – yung sa port area. Nakakita ako ng maayos at magagandang Fender strats at Marshall amplifiers na ang total cost e nasa 4,ooo pesos lang.
You just need to replace the string ng strats.
i love the second music! leche! paulit ulit kong pinapatugtug! hehehe!
Hahaha. Na-LSS ka pala dyan Reyna.
Actually, that is my personal song. If a song would to describe my life, well, that’s the song.
bahista at minsan din ay keyboardista ako nuong unang panahon. ang asawa ko yung singer namin dati. pero wala na ako ginagawa ngayon na related sa music mula nung naging busy sa pag hanapbuhay at rumaket ng datung. Lalo na ngayon na nasa malayo ako.
Leader of the Band Silvs, pwede hehe?