Home » Buhay sa Barrio Siete

tulisan nang bayan: ang langka, part 2

28 June 2009 34 Comments

Patawarin nyo ako sa ke-kwento ko. Batang bata pa ako nito nun sa Barrio Siete. Wala pa akong alam magtanim, este… basta… alam mo na bata… batuta. Kasalanan to ni Glo. Kelangan ko nang ilabas ang matagal ko nang kini-kim kim na katarantaduhan. Para mag-karon ako nang world peace. Hehehe! Aten-aten lang to. Wag nyo nang ikalat. Nung bata pa ako, eto: magnanakaw ang lola. Wait! wait! Sandali lang! Bago nyo ako sunugin at tirahin nang Somalia stoning… pwedeng mag-explain?! Hehehe!

Sa barrio, marami akong malupit errr malapit na mga kebigan. Miss Congenital na talaga ako kahit nun pa. Lapitin ako nang mga sira-ulo. Si omar, si benjie, si itoy, si jerry at si awe. Mababait namankami. Pag walang bahid nang tuba. Tuba. Yan ang aming tequila. Pero ewan ko ba, ba’t kami napag-bintangang tulisan nang bayan. Pero, iisa ang nagpalapit samen, sasaket ang tyan mo pag kami kaharap mo. Pramis, wala pa kaming sinasabi, titi-tigan mo lang kami, tatawa ka na.

Sa barrio kase, me kapitbahay kami. An dami nyang punong kay’meto, santol, mangga at langka. Obviously, masipag magtanim. Pero, an lupet nya. Ayaw mamigay! Binabato kami. Ang say, bilhin daw namen. Haller! Eh kahit singko sentimos, wala kami nun ano?!

Pero… social climbing works.

Me apo syang dalwa. Si George at si Unding. Tinginan kaming magka-keybigan. Umikot mata namen, taz hagalpakan. Nabuo ang plano. Kina-ibigan namen si George. In 2 seconds, BFF na namen sya. Swak ang nangyari, nakursunadahan ni Benjie si Unding. Kaya kahit hindi bilog ang buwan, binibisita namen si George. Hanggang kalsada lang kami. Di kami pinapa-pasok nang lolo ni Unding. Bandido nga kasi kami.

Ilang beses naming binibisita si Unding. Nililigawan nang benjie. Nakundisyon ang lolo ni Unding at ni George na wala kaming masamang balak sa kanyang pananim.

Dapit hapon. Dumating ang benjie. Sa balkonahe kasama si Unding.

Kami naman, nasa likod nang bahay. Sina-sarvey ang pananim na hindi naman amin.

Si george ang bantay. Kami ang sumasalakay.

Nawala si omar.

Si awe me sinasalo.

Si jerry pala eh nagmistula nang kapit tuko. Andun na pala sya, ina-ani na ang mangga.

Mabilis ang operandi. Pati kamo langka di nakalibre.

Pumutak ang mga lecheng manok.

Lumabas ang lolo, me bitbit na bolo.

Kidlat lumisan ang mga tulisan nang bayan.

Karipas nang running – daan kahit saan.

Nalaman kinaumagahan kung sino ang me kagagawan nang mga kalechehan.

Binasted ni Unding si benjie. Pero, minura muna sya ni Unding.

Sinabon ang george at pinauwi nang lolo sa balay nila.

Buo pa rin ang barkada.

Nag-inuman nga kami.

Tahimik.

Tahimik na tahimik.

Tagay.

At tinginan lang.

(sundan ang susunod na kabanata!)

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11951 times by 2371 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

34 Comments »

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.