Home » Baryo OFW, Opinion

USO PA BA ANG BALIK-BAYAN BOX?

9 July 2009 96 Comments

balikbayan-boxSa panahon ngayon medyo may kahirapan ng bumili ng kung ano-anong bagay para lamang my pangpa-salubong sa sa mga mahal sa buhay sa tuwing magbabaksyon.

Dagdag dito ang mga nagtataasang presyo sa merkado, ang pagsirit ng presyo sa mga pangunahang bilihin, lalo na kasalukuyang pangyayari na pandaigdigan krisis.

Dekada ’90, nasa Saudi ako noon, madalas akong bumili ng mga appliances, dahil puro nga mura at de-kalidad pa, nakakatiyak kang puro orihinal pa ang mga pyesa, hindi katulad sa Raon sa bandang Quaipo na pinapalitan ng local ang mga pyesa ang mga panindang appliances. Halos lahat ng mga OFW sa Saudi ay mahilig at madalas bumili ng mga ganito. Syempre medyo proud ka nga naman na ang mga gamit sa bahay ay imported, at nagiging trade mark na yan sa mga nagtra-trabaho sa Saudi… Sa katunayan, gumagana pa at maayos pang panooran ang telebisyon na aking binili sa Saudi bagama’t mahigit sampung taon na, maging ang sterio ay maayos pang tumugtog, kahit binabahayan na ng ipis at daga ang mga speaker nito.

Sa panahon na yaon, halos lahat ng kwarto sa Kampo o accomodation ng mga manggagawang pinoy sa gitnang silangan ay may balik-bayan box, na bukod sa iba’t-ibang klase ng appliances ang laman, meron din mga Grocery items, mga damit at kung anu-ano pang bagay na ihihahanda para sa nalalapit na pagbabaksyon. Minsan din ay ipinapadala sa mga Cargo Forwarders para iwas-bayad kung sakaling ma-over baggage. Mahal nga naman ang babayaran bawat kilo pag may excess baggage sa loob ng paliparan.

Ano nga ba ang kahulugan at tunay na kaugnayan ng “balik-bayan Box” sa buhay ng manggagawang pinoy at migrante?…. ang sabi ng isang Pinoy OFW, ito raw ay nagsisimbolo ng kultura ng mga manggagawa at migranteng pinoy sa nangingibang-bansa, at isa daw manipestasyon ng pilipino “diaspora” na naglalayon na maipakita ang magpapahalaga sa pamilya sa boluntaryong pamamaraan.

Mula nung narito ako sa Angola, 2 taon ng nakakaraan ay hindi na ako nakaranas pang muli na bumitbit o nagpadala ng “Balik-bayan box”. Nagkaroon na ng pagbabago, medyo kelangan ng maging praktikal.. ang tanging ginagawa ko na lang ngayon sa tuwing ako’y magbabaksyon ay diretso na sa Duty free sa Pilipinas kasama ang buong pamilya pagka-sundo sakin sa Airport, at least duon makapamili ang mga anak na ayon sa kanilang gusto, at mako-control ang budjet dahil kasama ko na ang aking “Financial control manager”. Ang aking asawa na syang nangangasiwa sa mga pinapadala kong sahod.

Ikaw kabayan?…. handa na ba ang iyong Balik-bayan Box?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10829 times by 2413 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Geodetic Engineer, graduated at Saint Paul University in Tuguegarao city, in 1992. He's a surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre naman nya pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat). An OFW for more than 16 years in several countries in middle east such as in saudi arabia, dubai UAE, and Doha Qatar. He's currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007. He blogs at http://bravedier.blogspot.com/

96 Comments »

  • fatherlyours says:

    Jeri, depende rin siguro. Yung hipag ko nasa Kuwait, nurse.May monthly supply siya ng kape, tuna, cheese etc. Eh hindi niya nagagamit kaya yan laman nh balikbayan box na dumadating sa in-laws ko. Kawawa nga yung nag dedeliver akala mga tiles ang laman. hehehe.

    • jeri says:

      hirap makapasok…maghapon walang internet sa office.

    • jeri says:

      yah, i agree with you… ganun din ako noon, when i was in Saudi and Doha,… we have a weekly free supply sa bawat empleyado at gaya din ng nabanggit mo, so nakaka-ipon ako pangpasalubong na rin sa mga relative.taz bili pa ng konti pandagdag para mabuno yung karton bago ko i pa cargo…

    • darbs says:

      malaking tulong ang pakunti konting naipon through the years/months/weeks/

      Truth is my mga bato/tiles/bricks na galing dito na binalikbayan box. mapasok lang ba naman at tama sa sukat… no matter anong bigat… yan ang deal. pasok na yan sa NAPAKALAKING CONTAINER. ship to the…lupang hinirang. andaming balikbayan boxes.

  • dencios says:

    sa duty free kasi parang mahal at limited pa ang resources unlike kung maghahanap ka talaga ng mga gamit ng paunti unti hanggang sa mapuno tas pag may request pa parents ko nasasabi nila at napaghahandaan ko e hindi naman ako umeebak ng pera kaya ganyan ng style ko at sigurado ko pati na din karamihan ng mga OFW/Domestic Helpers natin.

    usually yung iba nagpapadala ng used clothes/second hand. ako ayoko ng ganun, lahat bago basta para sa pamilya!

    • jeri says:

      Dencios, you can buy a lot of things sa Duty free sa Pinas, and im sure mas makakamura tayo.. nai-compare ko na kasi yun. sa Duty free walang tax, at maraming mga promo.. isang simpleng halimbawa ko nung huli kong bakasyon May 18.. yung Item na binili ko na whisky 3 bottles which is 1 liter ang content each bottle, me free na 2 bag (small, and medium size) at meron pang stand fan..ang worth lang nun ay 60 Usd…

      • dencios says:

        pero alam mo boss jeri parang namamahalan talaga ako sa duty free natin hehe. di na ko dumadaan duon kasi di na din ko makakaligtas sa pisil at akap ng parents ko :D

        • jeri says:

          Palagi mo kasi iunuuna yung “PISIL” na yan eh, he he he

          ah1 sa parents mo ba? hindi ba sa pisil ni misis? o misises? he he he.

          kunsabagay, kanya-kanya naman diskarte yun eh kung saan ang mas makakaluwag,pero para sa akin sa Duty Free na lang ako, marami pang promo sa halos lahat ng item.. me paraffle pa na brand new car pag pasko.

    • reynz says:

      dencios,

      eto ang mahirap mag-duty free. kala lang nang marami na tipid mag duty free. i’d say it’s convenient dahil hindi ka magiging kuba sa kakahila nang lecheng balikbayan box.

      kaso, ilan ang sasama sa duty free? halos isang dosenang bus kayo? ngayon, pag nalaman nang iba na dalwa lang kayong nag duty free? naku! yari ka! hahahha! maniwala ka, merong mali! merong mali sa kultura na to! hahaha!

      • jeri says:

        Isang dosenang BUs ba naman eh, mamumulubi ka talaga nyan, he he he

        Sa akin lang naman ay para makapamili yung mga kids ng mga gusto nila, dahil maraming choices sa duty free,.. at alam naman ng mga kids kung ano yung mahal at mura o mas convinience para sa kanila, mostly mga toys lang naman, then ke misis ay yung mga bagay na para sa bahay.

        At higit na mas importante dun, ay napakasaya pag kasama ang Ang Pamilya sa pamimili.

  • reynz says:

    it’s truly one pinoy barrio culture talaga to jeri and it’s not just for OFW’s, pati na rin sa mga overseas pinoys and immigrants who are not OFW’s and you certainly can count my family and i could offer the following reasons resulting in changes kaya tinigil namen ang padala nang balikbayan.

    1.) naging tamad ang mga lecheng dysfunctional family nang lola

    effect number one was when they started getting regular balikbayan box sa family namen, instead na makaipon sila dahil me mga work naman, they depended on us on a lot of things sa bahay at ang nangyari, yong pera nila na instead pang-grocery napunta sa gimik and everything at walang naipon ang mga leche.

    2.) nagkaron nang alitan at iringan because the other family is getting more or mas pa sa padala namen. they started comparing. they started asking ba’t si polano ganun ang pinadal nyu at kami eh ganito. it’s called greed. hindi or nakalimutan na na yong mga padala namen eh pinaghirapan namen and instead of pasalamat, napa-away tuloy kami lahat.

    3.) sumikat ang malls sa manila. and so, yong mga damit na pinapadala namen which we typically buy na mura and on sale here, pinag-tatawanan na nila sa manila and over the years, ginawang basahan nang mga leche – why? they preferred money na ngayon, para makapag mol of asia or megamol ang mga leche

    it’s been many years na that we stopped sending balikbayan boxes. maraming relationships na nagkasira sira sa bwisit na balikbayan box na yan. the intent was good kaya lang leche impakto ang dulot. marami pa *hikbi* kaya lang hu hu hu na-a-alala ko ang mga kalechehan waaa! hindi pa naten pinag-uusapan ang mga padala kong balikbayan box ko sa mga boylets ko nito ha? hindi pa… *hikbi*

    • Monique says:

      Hahaha… Natawa ako dito Kapitana.

      Totoo.. minsan mas maige pa na wag ka na lang mamigay dahil kapag di nagustuhan kasalanan pa ng nagbigay. Or kung mas maganda yung nabigay mo kay Maria at di gaanong kagandahan ang kay Nene, aba patay ka nanaman.

      Asus! bigla ko tuloy naisip na wag na nga mamigay ng pasalubong sa extended family pag uwi ko. hahahah. Maybe sa baby na lang, one Care Bears stuff toy ay solb na ang anak ko. hmmp! OFW nga diba?!

      • jeri says:

        Ang pasalubong kasi naging bahagi na sa buhay ng mga pilipino na nangingibang bansa.. kahit, anong bagay basta me pampasalubong, kahit mumurahing pabangango or Tsokolateng made in China…. litsi!, sumagi na naman sa isip ko yung Anti-OFW na si “Mikekoliling”.

    • jeri says:

      HIndi ko maintindihan kung seryoso o nagpapatawa si Kapitana… he he he
      But anyway, lahat po ng sinabi mo ay totoo.. kasi minsan, prang namimihasa na rin sila at masyado ng naging depende sa mga padala, kesyo me kapatid, pinsan, magulang o kung sino mang relative sa abroad na madalas nagpapadala ng bagahe… then, meron apng inggitan minsan, kasi feeling nya mas nakakalamang si kuya, o si ate.

      • reynz says:

        totoo yan jeri! di ako nag-bibiro! dysfunctional talaga ang family ko! hahaha! pag kami nag-uusap, nag-babatuhan kami nang mga punyal! hahaha it’s called quality time hehe

    • jeri says:

      ha ha ha, nice to hear that from you kapitana.

    • Glo says:

      manay…super natawa naman ako. at naawa ako sa mga nagpadala. nakatikim din ako ng balikbayan box noong araw…yung aking lolo to the third degree na tumulong mag-paaral sa akin noon…tiga SanFo sya. ultimo coffee mug padala nya sa balikbayan box. nakakatuwa.

      manay…padalhan mo ako ng balikbayan box…promise di ako magiging greedy. hehehe. ;) ngapala…size ng shoes ko 7…gusto ko keds ha? at saka chuck taylors. ayaw ko ng nike or reebok. cheepangga lang taste ko. wag mo kalimutan ang gap at 501 levi’s. isama mo na rin ang baby gap para sa anak ko.

      BWAHAHAHAHHA!!!!!!!!!!!!!!

  • N!ckph says:

    Depende siguro, noong nasa Hong Kong pa ako may kaibigan akong expat ang bossing from London. After 2 years bumalik sa London ang boss niya and guess what?, lahat ng laman ng bahay ibinigay sa kanya. Hindi lang balikbayan box kundi container van.

    • jeri says:

      Wow!Napaka swerte naman ng friend mo N!ckph,…siguro,napagsawaan na ng Boss nya yun kaya pinamigay na lang nya, ganun naman ang mga Puti eh. and 1 thing more hindi na rin nya madadala lahat yun sa London,dahil excess bagage na.

  • Rob Angeles says:

    Di ko pa naranasan magpadala ng Balik Bayan Box pero kasama ako ng mga kaibigan ko sa Walmart at Old Navy pag black friday after thanksgiving upang mamili ng maraming towel at kung ano ano pang naka sale para padala pinas.

    • jeri says:

      Kuripot ka ba Rob? or sadyang matipid ka lang.. jokw! peace kapatid.

      • Rob Angeles says:

        Hahahaha..Di naman Jeri. Ewan ko ba, di feel ng pamilya ang balik bayan box. Maski nung buhay pa si Erpats at nung buhay pa ang CDCP (PNCC na ngayon), pag nasa middle-east sya, di nya feel balik bayan box kaya ata di nauso sa aming magkakapatid.

        • jeri says:

          kunsabagay, kanya-kanyang istilo naman yan eh. pero kakaiba yung tatay mo, kasi ang pagkaka-alam ko kahit papaano pag galing sa saudi,or anywhere sa middle east laging me dalang balik-bayan box pag bakasyon. at yan ang madalas kong nakikita sa airport, pinakamaraming bagahe ay galing sa middle east.

  • roni says:

    para sa akin, balikbayan box is supposed to be a gesture na ang mga bagay na iyong pasalubong ay hindi sa halaga kundi sa pag-aalala sa taong bibigyan. ang isang bolpen o sabon ay nakakapaghatid ng ibayong saya sa taong hahandugan, nangangahulugan na ang taong yaon ay may puwang sa puso ng naghandog, at para na rin sa sharing of blessings. parang ang orocan-orocan ko yata.

    • jeri says:

      Amen ako dyan kapatid na roni.. natumbok mo ang tamang sagot.. bilang gantimpala ipaglelechon kira ng baka, dalaw ka lang sa aking bukirin. he he he.

      seryoso: totoo yan, kahit na yung simpleng bagay lang ang maaring ibigay mo sa isang kaibigan o kahit na sino sa mahal mo sa buhay, ito’y nagpapahiwatig ng pagpapahalaga mo sa kanya.. at gaya ng iyong sinabi, kelangan din na ipamahagi ang mga biyaya na ipinagka-loob sa atin ng maykapal…. lalo na kung ng iyong bulsa ay sobra na sa kapal.!

  • Silver says:

    Yung mga relathieves namen ang nilalagay sa balikbayan box sabay tapon sa karagatan ng southern leyte. Hahaha.

    Lecheng mga yun. Mga mukhang pera. Kung makasalita sa mga magulang ko porket hindi nag-OFW ang aking mommy at daddy e ganun ganun na lang.

    Kaya pag nadayo ang mga yan sa amin e nagiging evil ako. Hehehe. :D

    • jeri says:

      kapatid na Silver… isang malaking pagkakasala panginoon ang iyong nasa isip!.. alalahanin mo ang nakasaad sa banal na kasalutan, at ito ng nasasaad:

      BASA:

      Ayon sa kapitolo 2 bersikolo 16 ng aklat ni San Mateo: (hula ko lamang ‘to)

      Mahalin mo ang iyong kaaway, at wag mo silang pag-isipan ng masama.. at kapag binato ka ng Bato.. gantihan mo ng tinapay…..,(na me palaman na semento)…

      Amen?

  • Reesie says:

    $100 ang balikbayan box dito regardless of weight. kahit isang pridyidir pwede mo ipadala kaya lang di kasya sa box. haha. masyado ng maarte ang mga kapatid ko kasi ba naman gusto nila made in USA eh lahat ng nasa USA made in China! Pwede lang naman nila bilhin diyan sa atin. Hehehe. Pero imperness naman, naeexcited pa rin naman sila pag may pinapadala kaming balikbayan box every once in a blue moon.

    • jeri says:

      Mas excited siguro ako Reesie pag ako ang pindalhan mo ng Pridyidir.. he he he.., kahit gatipak lang ng yelo mula sa pridyidir masaya na ako, basta galing lang sayo.. naks!.. lumalabas na naman yung mansanas sa aking mga mata, kahit na ako’y minumuta.

    • Mahalia says:

      halos pareho rin Reesie yung rate dito. Nagpadala ako minsan ng microwave. natambak lang dahil di nga pala 120 sa atin kundi 220. Napatawag pa yung electrician para sa transformer.

    • reynz says:

      swak yang sinabi mo Reesie! napagalitan pa kami kasi yong sale na nabili namen, nakalimutan naming i-check! Made in the Philippines at hindi ko makalimutan si Inspector 72 hahahaha

      • nina says:

        wala nang Made in USA ngayon. When we went to the US made in phils yong nabili naming polo, which we prefer naman parang tulong na rin sa mga garments business. saka sabi ng friend ko minsan mas binibili nila yong made in phils kasi mas okay.

        • jeri says:

          Tama ka dyan Nina, dapat tangkilikin din ang produktong pinoy lalo na yung mga export products natin.

        • darbs says:

          @nina, totoo ka
          Pero ang Hanes kaya?
          Ang Fruit of the loom kaya?
          Last time kong na check made in usa ang tatak.
          Kung hindi nandaya
          dahil madali lang kasing palitan ang TATAK!
          WISHY WASHY HANDS…
          haka-haka lang yan.
          no proof yan,
          na walang cheap labor sa chinatown
          luwi vitton ng kaartihan? murang mura lang!

  • jeri says:

    Minsan pag nagpapasalaubong ako sa mga relatives ko mga damit, at sinasabi ko sa kanila na Made in U.K. yan… ang hindi nila alam, binila ko lang sa Ukay-Ukay.. UK pa rin di ba? as in Ukey-Ukey.

  • Mahalia says:

    ang sikreto sa pagpapadala ay walang regular na routine, at di palagian. Kasi kapag lagi na nilang aasahan na may darating, minsan mahirap nang mag-appreciate at magpasalamat. Masarap ang mag-padala ng box, pati nga harina pinadala ko na sa box. May naisulat ako noong unang panahon pa tungkol sa pag-uwi at ang balik-bayan box: http://chocolateword.net/2008/05/kaldero-at-bagahe-noong-ako-ay-umuwi-sa-pinas-2005/

    Pero agree ako kay Reynz, nag-kaka-inggitan lang at nag reresulta sa away. Di naman yung pamilya ko ang nag-aaway away, yung mga relatives ko na nanghihingi tapos kapag konti lang ang nabigyan, naghuhurumentado.

    Kung de tatak ang request nila, parang nakaka-offend naman, dahil kahit nga kami ay bibihirang bumili ng de tatak.

    • darbs says:

      nag-kaka-inggitan lang at nag reresulta sa away. Di naman yung pamilya ko ang nag-aaway away, yung mga relatives ko na nanghihingi tapos kapag konti lang ang nabigyan, naghuhurumentado.

      Alam na alam ang mga deTaTAk mula pabango hanggang kaldero.

      @Mahalia, gusto ko sanang mag LOL at may bwa pa but parang it is sad ata na palandungon ang kagahapon, ang naglabayng panahon.

    • roni says:

      hehe, two months ago, napadala ako ng……bawang! tawa ng tawa yung utol ko.

  • jeri says:

    Mahalia,me solution dyan, sa susunod na mag request sila, pasalubungan mo ng especial na de tatak…. tatakbuhin.

    • Mahalia says:

      naku yun ngang detatak na old navy? yung etiketa ay made in the Philippines. yun namang Columbia sports gear yata iyon, made in bangladesh. sa ilang Gap naman made in mexico.

      Ang Made in the US? mehikanong trabahante sa strawberry fields. Pwede bang mag-padala ng mehikano?

      • reynz says:

        natandaan ko yong dating John Wanamaker na department store sa tapat nang office namen in Philly, sosyal sya at upscale na department store, leche! yong sa men’s na mga polo shirt puro made in the philippines hahaha nagkamali kami nang padala! ang galet nung nakakuha hehehe

      • reynz says:

        oo nga! old navy pala. kaya pag pinuntahan mo rin ang Gap, leche dami rin nang made in the philippines dun hahaha

        • Mahalia says:

          ang irony pa nito, bago kami lumuwas sa States pagkatapos ng kasalan sa Pilipinas, ibibili raw ako ng mga coats ng asawa ko sa atin. Yung tita ko naman mayron raw syang kilalang VIP clothes only. yun bang may special viewing raw. Sama naman kaming mag-asawa.

          Aba Ralph Lauren, sa isang malaking bahay na puno ng mga damit. Kami lang ang pumipili. Tapos yun palang mga coats na Ralph Lauren, Ralphie Lukring pala, mga di pumasa sa export standard ng factory sa Pilipinas. Naka-bili tuloy ako, worth 250 pesos lang, di pa kita ang defect. o di ba?

  • malensky says:

    it’s good to share.

    several years back, tuwing december, lagi nagpapadala ng balikbayan box ang tatay ko, may bicycle, atari (shucks, ang age! haha), VHS tapes at typewriter hahahah

    those were the happiest days of my childhood…at ang sarap ng amoy imported noh lolsss

    • jeri says:

      Syempre naman malensky,.. bukod sa imported eh, tatay mo ang nagpadala ng mga yun,…pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga anak… ayos pa ba yung VHS nyo?..he he he

    • darbs says:

      masarap talaga pag ang tatay mo overseas ano? kainggit naman, sarap ng buhay nila.

      charge to inggeterong kultura at crab mentality.

      pero kung mga tiyuhin lang ang nasa amerika at walang pakialam…

      worst dahil active member ng kuklukslan at ng ng mga Republican Conservative block party (fil-am republicans conservative… lol) dahil wala ka talagang maaasahan.

      Balita ko, kung may plano kang mag jump ship wag na wag kang hihingi ng tulong dahil bawal sa alituntunin nila na mangharbor ng kriminal besides price ng ulo ng illegal immigrants medyo tumaas na ata. Of what I heard, $3,500 per head na ang illegal immigrants na kung tawagin TagoNgTago amerika.

  • N!ckph says:

    May kompanya ng door to door sa Hong Kong, na kinukuhaan nila ng piktyur pagnadeliver na nila sa pilipinas ang box. Ginagawa nila itong proof doon sa nagpadala. Minsan nakakatawa ang eksena sa piktyur, bahay kubo sa gitna ng palayan, nandoon ang buong pamilya at ang laman ng box ay…….
    La Germania oven na 4 burner lol… umusok ang ilong ng kalabaw…

  • jeri says:

    Ayos pala yung Raket nyo dyan ah!.. kita mo nga naman, akalain mong nakarating na pala ang Pinoy Huweteng dyan sa Hongkong…next time punta ulit ako dyan, tataya ko.. kubrador ka ba?.. ha ha ha.. anak ng hweteng talaga oo.

  • jeri says:

    Kanina pa ko sagot ng sagot sa mga comments, diko napansin na me wrong mistake dun sa title ng headlines…. pansinin nyo rin.. he he he

    • reynz says:

      inayos ko na hehehe! nag-kakape lang! kararating lang sa lecheng trabaho na sana makakuha na ako nang trabaho sa manila! grr! bwisit na bwisit na ako sa trabaho ko, gusto ko nang ibalik-bayan box sarili ko! grrr! maya! sasagot ako!

      • dFish says:

        Kapitana – patawarin nyo na po sila. Gusto lang naman nila gayahin ang Huffington Post hehe. Sige na po – lagi kasi nila napapanood ang commercial na “Lipad, Biboy, Lipad”….

        • reynz says:

          @dFish, pag hindi ka nga mag-ingat, yong buong plano nang bahay nila akala mo arkitekto nang Huffington Post, panlito sa tao na sila yon! pwedeee vaaahhh!!! hahaha! hindi ko sila pwedeng patawarin sa pang-aalipusta nang mga leche!

      • jeri says:

        masyado ka kasi busy kapitana, hinay hinay lang sa work… love your work, as you love the kolets! ha ha ha

    • N!ckph says:

      @ jeri

      yan ang pagkakaiba dito sa Barrio, pag hindi mo na kaya ikaw na lang ang magpuna sa sarili mo hahaha. Samantalang doon sa kabila, may english, grammar at literature police. Bibigyan kita ng clue kung saan yon……F as in ilipino at V as in oices no link for this tag

      • reynz says:

        saan yan N!ck? sa kaVilang Varrio??? hehehe

        • N!ckph says:

          palagay ko manay ayaw nilang patawag ng Varrio dahil sa feeling sossy sila noh, syiudad as in syity.. There english is good but there smell the same…

          • reynz says:

            kaso i started seeing them na nag-ba-blog na nang tagalog like yong matandang umaway saken hahaha na umalis dahil magtatayo nang sarili nyang barrio at imfak, inimbitahan yong isang kakilala ko, tawa nang tawa nung nareciv yong invite hehehe

            kiver sa kanila bro! an tatapang mag-challenge, taz mge peke lang naman pala at walang mga credentials kaya ayan natahimik hehehe

            lessons learned yan nang mga imFackto, do not evah evah underestimate yong kausap mo kasi baka mas de kalidad ang cedula kesa sa yo

            ang problema nang mga yan, porke pa-reyna reyna barrio sounding lang ako eh judged kaagad na pokekang na barriotic ang lola

      • jeri says:

        teka,…silipin ko nga rin kung saan yun.

  • dFish says:

    I NEED, WANT, HUNGRY OF BALIKBAYAN BOXES. ANYONE WHO COULD SEND? hahaha.Taga-Divisoria at Baclaran, alam na alam na ang market competition. Pati yata subprime crisis hehe kaya marunong na rin sila magtaas ng presyo.

    • Mahalia says:

      kapag magpapadala ako ng Box DFish, siguradong email kita, ano ga ang gusto mo? Minimum amount 5 dollars. ngak!

      hehehe…

      • dFish says:

        Yipeee. May sponsor na ako. Teka lang lista ko lang mga 3 used books for Amazon tig 1.5 dollar each, sabi ko sa yo miss ko na mag-order sa Amazon. Basta isa na dito kay Richard Tarnas: Cosmos and Psyche: Intimations of a New World View. Babalik ako…

      • dFish says:

        Nagbabalik: ito ang remaining 2:

        Fertile Soil in a Barren Land by Renee Miller $0.74
        A Thomas Merton Reader by Thomas P McDonnell $0.37

        Pakapalan na to hehe total balikbayan box na rin ang pinag-usapan haha…

  • darbs says:

    Ah bawal sa akin na magbigay comment sa Balikbayan Boxes business model, dapat ipauso maawa naman kayo sa isa sa mga businesis ng Filipino natin dito.

    Disclosyor: wala na kayong pakialam kung may profit man ako o wala sa Balikbayan na Boxes business na yan due to my endorsement na IPAGLABAN ANG PANG BALIKBAYANG KALAKALAN.

    NAKARATING NAMAN ANG MGA BOXES NYU DI BA?

    Patalastas MULA sa:
    Balikbayan Business ng mga Kabayan
    Barrio Sieti
    Timoga, Iligan City

  • darbs says:

    like yong matandang umaway saken…

    bwahahaha!

    MATANDA?
    Yap, MATANDA?
    Hahaha!
    Matanda sa Filipino gap tradisyon.
    Yes, tanda tanda nya
    Teka muna.
    Nang-aaway ng BATA?
    Mga bata sa makabagong Henerasyon?
    hahaha!
    kayati basad kang tiguwanga ka!

  • lee says:

    nyah, ako palaging my box pauwi kung anu anu lang laman, wala naman kaming malaking clan na papasalubungan kami kami lang, 6 lang lahat ng bata kasama ng anak ko at puro ayaw ng chocolates at lahat gusto pera ang pasalubong hahahaha, yung laman ng box? ewan twing bubuksan ko yung padala kong box nagugulat ako sa laman hahahahahaha wala puro di importante ang laman.

  • darbs says:

    Sa pangkalahatang diskusyon makikitang uso pa rin ang padala ng balikbayan boxes in our own small ways sa kapakanan ng mga malapit sa ating puso. hinding hindi makakalimutan kahit papaano. kahit de lata ng sardinas? hahaha! sigi lang pandag dag sa spam at karne norte at of course ENSURE NA KARAMI-RAMI!

  • jeri says:

    Kaya, ang balikbayan box ay isang Kulturang pinoy, na nagpapahayag ng kabayanihan ng mga OFW, dahil hindi lang sa mga remitance kundi maging sa mga taxes sa bawat box na ipinapadala sa ating bansa.
    At kahit anuman ang laman ng box, maging ito man ay mga mumurahin na bagay, mga de lata, o kahit anung mga bagay na naipon habang nagtratrabaho sa ibang bansa at kapag ito’y isinilid sa balikbayan box at ipinadala pra sa pamilya o mahal sa buhay,…lahat ng ito’y pagpapakita ng kahalagahan at importansiya para sa kanila.

    salamat sa mga komento mga kabarrio,.. marami rin akong napulot na aral mula sa inyo.

  • nina says:

    wahhhh…dami ng comments :) na-aadict kasi ako sa farm town ngayon :) Every year paunti ng ng paunti ang inuuwi ko – mahal na kasi eh. Siguro next year hindi na rin ako magpapa-box. Kasi humahaba ang listahan. Kapag mo may nag-asawa sa anak ng pinasalubungan ko aba eh ihihingi pa yong anak na nag-asawa na kasi hiwalay na raw ng bahay. Kakaloka…eh yong binibigay ko for family yon care ko kung may asawa na eh di hatiin na lang yong sabon na binigay ko:)

    • jeri says:

      Natututwa nga ako dami comments sa entry ko na ito.. he he he

      siguro yung mga iba dyan nag hahanda na ng “balik-bayan box” sa nalalapit nilang pag “babalik-bahay”. he he he

  • roni says:

    Eto pa isang nakaka-umph: pag nabalitaan ng mga friends mo na magpapa-bagahe ka, magpapa-angkas ng kung anu-ano. Tuloy yung items mo di mo naipadalang lahat dahil puno na ng kanilang pa-angkas, grrr!

    • jeri says:

      Natumbok mo roni,.. yan din ang madalas na nakikita ko sa mga kapwa OFW, mahilig sa sabit na padala,.. tapos ang dami pa nila gustong sumabit, kaya ayun! mas marami pa yung padala kesa yung dapat na i-uwi mo…
      parang nakakahiya naman kasi hindi tanggapin.

      • reynz says:

        tumbok mo roni! me me relathieves ako sa philadelphia, kung umuwi, sekreto, di sasabihin. malalaman ko na lang nasa manila. takot na mag-padala kami. pero, oras na ako ang umuwi? leche oo!!! buong kahon kanya! eto pag! paguwi ko naman philadelphia! isang kahon naman padala nang nanay! grabe!

    • darbs says:

      @roni, kung totoo man na nangyari yan bat hindi mo na lang sila prangkahin na “hey guys, sorry pero PRIORITY UNG padala ko PARA SA PAMILYA AT KAIBIGAN. kung may extra space, palabunutan na lang kung sinong ipasok.

      Mas masaya pang activity yan kesa pakitang bait ka tapos galit lang pala. what is the point?

  • Rosa says:

    Lagi akong nagpapadala ng box noon pero ngayon hindi na. Reason is I spend 10 hours buying things to put in the box so that I can buy nice stuff for everyone and another two hours to pack and wait for the delivery guy to pick it up. The last box I sent everybody was complaining about the brand and that it was out of style (mga nike at adidas pa). I felt so sorry for myself because the time I used to buy all these things could have been spent golfing or spending time with my kid since I was so busy at that time on a start-up. I swore to myself that that would be the last box I will be sending. I have learned to just send money on special occasions.

    • reynz says:

      bwahahaha! i feel you rosa! i feel you! hehehe!

    • reynz says:

      pahabol rosa, pahabol! batuhin man ako’t isumpa man ako ni jeri pati na lahat nang pinoy na kultura pilipino ang balikbayan box, ako ang sumasalungat na kademonyohan ang dinudulot nang impaktong boxes na to at kelangan mag-karon nang republic act na itigil ang katarantaduhang to! hahahaha!!! ganyan ka-traumatic nag padala *hikbi* namen nang balikbayan box! hahaha!

      • jeri says:

        Kapitana, huwag ka kasi magpadala ng balik-bayan box na ang laman ay puro mga impakto at mga demonyo.. ha ha ha ha ha

        Para sa mga nakararami nating pinoy OFW palagay ko’y usong-uso pa rin sa kanila yun. lalo na yung mga gustong makapag-pundar ng mga gamit, espcly na yung mga appliances or souvenirs from abroad.

        pero marami na rin ang ayaw ng bumili ng mga ganun, o magpadala ng balik-bayan box, dahil siguro wala na sila oras sa pamimili at maghanda ng isisilid sa nasabing box, at higit sa lahat siguro masasabi nating ayaw na nilang maabala pa, bagkus ang kadalasang ginagawa ay pagkadating sa Airport ay diretso na agad sa Duty free para duon na mamili ng pra sa pamilya o pampasalubong sa mga kamag-anak. At yan na rin ang ginagawa ko sa ngayon.

        At syempre ang expectations natin ay makakatanggap tayo ng pasasalamat mula sa mga taong ating pinasalubungan natin, dahil kaya tayo nag-share ng blessings sa kanila dahil sila’y may imporatansiya sa ating Buhay..

        Sumatotal, Ang Balikbayan box ay patunay na simbolo ng kulturang pinoy na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat, at hanggat may mga pinoy na kumakayod sa ibang bansa para sa pamilya,patuloy pa rin ang pagpapadala ng mga “Balik-bayan box”.

    • darbs says:

      Opps, hindi ito kasalanan ng Balikbayan Box Receiving And Shipping Department. Ito ang kasalanan ng ating mga kabaryo na dinagsaan ng katakot takot na advertisement sa kanilang telibisyon na hindi natin nakikita.

      Every three to four months may bagong labas na Nike ang Nike company. alam na alam ng mga pinoy audience yan.

      Kung padalhan mo ng 9-mos. old na Nike, talagang alam nila. Sa totoo lang yung mga nakaraang labas at least 1 year to 2 years lang naman ang murang NIKE na pueding maramihan ang mabili.

      SALE:

      Usually ung bagong labas na tig $120 – $250 dollars after a year or two years naka sale na yan ng tig $9.99 or $24.99.

      Kung ayaw nila?

      Well, kung teen agers baka maintindihan. alam nyu na ang teenagers makiuso.

      Pero pag matatanda nang nagreklamo, ibang usapan na yan.

      • jeri says:

        May point ka dyan Darbs, kaya pag may bagong labas na items na napapanood sa mga advertisement, anatayin muna na malipasan ng konting panahon dahil tiyak mababa na ang presyo.. tulad na rin ng mga celpone, ang bilis magpalit ng model, asahan mo after a months lang malaki na ang ibinaba ng presyo..

        Mga bagets, mahilig makisakay sa Uso.
        Mga Forgets,hayaan mo ng magreklamo dahil ang mga gurang malimit walang alam sa uso.. he he he

  • Rosa says:

    I agree Jeri, we have a very warm. loving and family oriented culture and balikbayan boxes is one way of showing it. In my case, I have been away too long and the nephews and nieces have all grown up and I do not really know what will please them. The best thing is for me to help them finish their studies and help them come here to Canada. Sa totoo, I plan to retire one day in Phil. so who knows I maybe the one receiving those boxes one day if they remember me.

  • Chi says:

    sobra mahal na ngayon balikbayan box(£115, box pa lang), besides most things are already in the phiippine market. mag SM na lang sila andon na lahat. Ang mahirap e dapat ang ipapadala e yong wala sa tin or rare kung baga.Mga tipong mamahaling perfumes. Chocolates at jabon na wla sa market at mga kakaibang di tatak na clothes, as in M&S, dorothy perkins, lacoste… e letche! di ba nkakapulubi??? kaya ako pag ngpapadala one year and pagiipon ng mga nabili sa sale. buti na lang sale dito e sale nga. But then saying this mas practical na ata ang magpadala ng money kesa box? dapat lang ang papadalhan e mapapagkatiwalaan. LOL

  • mixglorioso says:

    Dito sa Dubai ay uso pa rin ang balikbayan box. Sa sobrang lakas ng ganyang business dito eh nagkaron na ng LBC (Hari na padala) dito. May iba kasing kargo na late na makarating ang mga pinadala. Panis na ang tsokolate ay hindi pa nakakarating, meron namang iba na misteryosong mawawala ang ibang laman ng balikbayan box dahil sinalvage na ng masasamang loob…

    hmmm…

    • reynz says:

      hindi lang sa dubai mix, kahit kami we’ve experienced that before, although ngayon tila we have not sent bb for quite a qhile. dati nun halos every other month. wala eh, lumaking mga gago ang pinadalhan namen. walang nangyari.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.