Wag po koya! Wag po!
All housemaids were not born equal. There are those that semplangs to the left, sometimes way to the right, pati yong driver sa kabilang apartment eh kinalantare na. Our maid at the condo? Nawawala sya nang alas-dose nang tanghali. Ang leche at andun sa Wowowee. My sister fired her. The next maid? She goes home to Novaliches every Friday aftenoon. Taka daw sya, parating isang overnight bag plus one backpack na mistulang going on 1 year vacation. Nahuli nang guard. Hinahakot pala mga damit nang pamangkin ko. Sa awa namen, sinaksak namen ang de-lata in one box. Pinadala na rin name sa kanya because that was her last day.
I won’t argue the need for one katulong in the Philippines. Unless you live in those swanky villages at mga newer developments ngayon, dysfunctional pa rin ang buhay sa Pilipinas. Why do I say dysfunctional? It’s tough to move around da house, especially the kitchen. It’s tough to do the laundy. It’s tough to do sampay, me nami-mingwit. Meanwhile in Western countries like Amerika, houses are very functional. It’s easy to get some groceries and food, read: traffic and accessibility. Unless na me anak ka. Then, it’s one heck of a scheduling problem.
At some point in your life, if you were Pinoy, you must have had one maid or one katulong na galing nang Barrio Siete. Almost always, galing probinsya. Why? Cheappanga sila. Housemaids are probably the most abused, the most looked down upon, the most aliping saguiguilid anywhere. If you think some employers treat them worse in the Middle East, in the US or anywhere else, you don’t have to go far. They’re right here in the Philippines. Being provincial, employers capitalize on their city ignorance on their social status and the fact na wala siguro syang relatives in the city kaya walang mapagsumbungan.
Nag-raise ang eyebrows ko reading this article on the Inquirer! Ayuf ang video ni Hayden at Halili, iba ang epekto sa mga demonyo.
The housemaid told the police that on June 5, the couple invited her to have a few drinks with them. She added that while they were drinking, they watched the controversial sex video involving Dr. Hayden Kho Jr. and actress Katrina Halili. The victim further alleged that when she got drunk, the Cunanans forced her to have sex with them—an act which the couple videotaped. She said that after several days, she realized that what the couple had done to her was wrong, prompting her to file a complaint against them with the police.
When I was in Manila, I remember we were having coffee in Rockwell, one of the upscale malls in Makati. Enter one family. Who knows kung ritzie. Mukha eh. O baka isa syang big-time production. Feeling. But what I don’t understand was that – why must their maids be in uniform??? Why???
Viewed 9163 times by 1817 viewers















eh kasi po hanggang ngayon nanalaytay pa rin sa dugo natin ang turo ng mga Espanol, kaya sarili nating kababayan, minomolestiya natin o nagiging racist din tayo sa kapwa Pilipino natin, lalo na kung palagi sila kina Belo at nableach na ng husto ang mga balat nila, they always feel DA POWER whatever power, dapat nga alisin na natin yang pagtawag ng Kuya, Ate, dito sa US we just call our Supervisors by their first name
sometime in 2004 or 2005 ata yun when i started hearing all these KOYA, ATI when being called in Manila and each time i smiled and honestly, i feel weird… really weird being called by those terms hehehe
sarili nating kababayan, minomolestiya natin o nagiging racist din tayo sa kapwa Pilipino natin
**i feel bad for the statement kasi alam ko na marami pa rin ganyang hanggang ngayon talaga..
true, maraming ganyan (maids in uniform) sa dalawang cities sa negros. di ko sasabihin where exactly at baka awayin ako ng mga elite. hahaha
i asked a friend who’s from there about this, sabi nya, so that people will know they have one (or more). pathetic noh.
ginaya siguro sa mga lecheng movies where you’ll see the maids eh naka-uniform irita ako
It’s not gonna happen, IMHO I think ‘racism’ is biological and hence universal – it’s everywhere, whatever race, and time. Kumbaga no borders. Dogs don’t like cats (baka racism din yan, ambot), etc. Could be survival, hindi ko alam. Some call each other comrades (cold war)but not in deed;even bro/brother. Always meron caste system, the elitism – when in fact we breath the same air. Classless society? Good luck. Just be respectful, we should be okay. Hirap pala ng world peace – keep the faith – di ba reynz? Daymn! Your barriosiete is rock and rolling!
hehehe am not wishing for classless society, parang hail chairman mao tayo nyan hahaha but i think yong mga uniforms na yan eh pang-hotel lang
with regards to barrio siete, meron kaming magic formula hehehe
I TOTALLY AGREE!
Very familiar ung title, “Wag po koya! Wag po!”
reminds me ung may isang oldie video na ang dialog ay, “senyorito, wag po…baka mapagalitan ako ni Senyora.”
Nabuntisan ung katulong.
Pinalayas ang katulong na walang pinadala kahit isang gamit.
ung anak na si senyorito pinapuntang Amerika.
End of the story.
..pero may part 2.
nagsumikap si katulong. nagnegosyo. yumaman. lumaking maganda ang anak. nakapag-aral. tinakeover ang kumpanya. hinanap ang nagpalayas sa nanay niya. binili ang kumpanya. nagpakilala na siya ang anak ng pinalayas na katulong. humingi ng tawad ang dating donya na lola niya kasi patay na si don na lolo niya. naawa ang apo. bumalik ang dating katulong sa mansyon. umuwi din ang dating senyorito. nagkapaliwanagan. nagkapatawaran.
happy ending. Lol
@Mel, i like this ending. thanks.
@mel, i like the “inday” ending hehehe yon bang blog ni inday hehehe
@ Reyna,
Actually, yung term na Inday sa Manila means katulong or something.
But the real meaning of Inday, in Ilonggo is DONA or a term used for the eldest daughter.
Kaya pag tinawag kang Inday sa Negros, aba, saucy! Dona ka! Heheh.
@darbs, yan typically ang mga linya sa movies nang mga pinoy right? haha
@Reynz, hehehe sinabi mo.
It’s really weird to see housekeepers in uniforms. Akala ko dati sa pelikula lang yun. Sad to say, sa Pinas talaga, there are people who are show-offs. Ginagawang parang accessory yung kasambahay, parang designer handbag ba, yung nagsusumigaw ang logo.
leche pa kamo kung manduhan in front of other people and i’ve seen that many times sa rockwell, sa glorietta, minsan kahit sa megamol meron ding mga iba eh, parang grand production haha
yan ang hindi ko maintindihan sa atin alam naman ng mga amo na katulong nga bakit pinapayuniporm pa? mababa na nga ang uri ng trabaho pinapamukha pa talaga sa madlang pipol, wez ko ma intyendes.
and the maids can’t do much! hahaha umayaw kat’s you’d be out of work!
i agree with Irn, namana natin ito sa mga espanyol.
that’s true mel and lrn, i don’t think we will ever outgrow our indio/peninsulares mentality (or insulares ba yon?)
I’m a certified maid nagkataon nga lang na lalaki ako, yung alaga ko which is anak ng bossing ko is dalaga na pero pagnatutulog sa sofa kailangan kargahin ko para ilipat sa kuwarto niya. Wala din siyang kimi kahit maghubad sa harapan ko, so puwede rin kayang “HUWAG PO INENG ,HUWAG PO” ang taytel…
@N!ckph,
leche hehehe uber artful ang pagsisipsip mo sa boss mo! hahaha to the highest order! o baka naman tinutukan ka nung fadir dahil sa me “ginawa” ka? magsabi ka nang totoo hahaha
To be honest Reyna, ang puhonan ko bilang isang maid is TRUST, I’m a trust worthy dida ko napasuko an sakoyang bossing na racist…
bikolano ka ‘noy?
An Narciso na nagpapasalamat sa imo, nan an Nickph na nagkokomint, sarong tawo lang…. you have my number. Kon may paryentis ka na ma dig-di sa NY newark, la guardia o JFK susundoon ko pag free ako…
hahaha anak nang negosyante oo! hahaha! nasa philadelphia ako ‘noy! hanggang lunes ako digdi! minsan we use Newark Airport or JFK, malapit lang kasi, yaan mo, tawag ako minsan.
itanong ko sa pinka-unang yaya ng anak ko kung bakit yung mga richie-rich eh naka-uniform ang mga yaya at maids sa bahay?
ang sagot nya, para daw obvious na obvious na mayaman sila! in fact sya mismo, nakaranas nang yaya sya in uniform.
tama ka, wag na tayong lalayo sa iabng bansa, kasi dito mismo sa pilipinas, maraming umaapi sa mga katulong sa bahay. hindi naman lahat of course, pero mas marami yung naaabuso. andyan na yung kung chekwa ang amo mo, eh gagapangin ka sa gabi.hayyy naku, mga hayup na yan!
i meant, itinanong ko dun sa pinaka-una kong yaya.
ang alam ko lang kasing explanation eh buhay pa rin ang master-servant relationships dito sa pinas. with all these technology eh feudal pa rin tayo!
hayyy naku, dahil nga mas maraming tao dito sa amin ang mga katulong sa maynila, noon at ngayon. may ilan sa kanila na naging mistress eventually nung among chekwang lalake. nakakaawa!
eto pa, nung nasa LB ako, ang daming humingi ng katulong sa akin. dinalhan ko naman. so far di ako napahiya kasi masisipag at mababait yung dinala. (hoy wala akong cut dun sa pagdala ng katulong sa kanila. basta libre na lang nila ng pamasahe paluwas. minsan nga sagot ko muna, then pagdating doon saka i-reimburse.
yung isang dinala ko, yung amo na napuntahan nya eh medyo malupit. mga middle class lang ito ha? during the day, yung katulong lang ang iwan sa bahay. yung mag-asawa nasa office, yung mga anak nasa school.
alam mo…yung ref nila naka-padlock! ang iwan na pagkain sa kanya eh yung halos panis na! grabe, first time ko makarinig ng ganyan. eh hindi naman kayamanan ang mga yun. nung humingi ng few days vacation yung katulong kasi ikakasala ng iasng anak nya, di na pinabalik ng nanay ko.
since then di na ako nagdala ng katulong kahit kanino.
para ka palang agency hahaha! ganun din kami sa bikol, lahat ata nung nakatira sa apartment namen, kami ang first stop when they need a maid.
actually ngayon eh meron na namang humihingi sa akin ng katulong. tiga dasma, cavite. kaibigan ko ito at brod ko nung college. para daw sa biyenan nyang babae na mag-isa sa bahay. 2500, all around puera luto.
nung 2005, 2500 na ang pasuweldo ko sa yaya ng anak ko…well mas mahal nga siguro kung bata ang aalagaan.
ngayon nahihirapan akong humanap ng katulong dito. kasi karamihan andyan na lang sa nearest city/town. uwian sila pag weekend. mas gusto nila kasi di masyadong malayo sa family nila.
for the record, i don’t look down on maids/yayas. i treat them like a family member. i don’t give orders. i want may sariling kusa sila. i found that in an elderly lady. and not in the 18-year-olds yayas/maids.
in fact i’ve got relatives that to this day eh DH sa sorsogon, manila, hongkong, saudi, singapore. marangal na trabaho yan, wag nga lang sana silang makatagpo ng abusadong amo.
2500?? really? when my sis and niece lived sa condo from 2003-2006 more than triple ang bayad namen sa katulong dun!!! hahaha
hahaha! eh syempre nasa condo kayo sa maynila. eh mahal talaga ang rate dyan.
sosyal. daig nyo pa ang expat magpa-suweldo sa katulong!
hahaha.
hahaha sa totoo lang baka naisahan kamo kami haha
yup, me uniform para obvious (o showoff lang) na mayaman sila.
di ko maintindihan kung bakit me namimilit. para namang di makakakuha ng sex kung di pilitan. hay buhay.
ika nga ni Kulapo, Real Men Don’t Rape!!!
atsay killers.
ika nga ni Kulapo, Real Men Don’t Rape!!!
**ang tunay na lalaki, marunong dumiskarte na hindi namimilit. sya pa ang pipilitin!
Pa-share lang po ng personal na experience:
Sa akin Kapitana, walang problem ang kasambahay kasi I treat them like my own sister kasi di rin naman kami mayaman para itreat talaga sila as maid. Ako pa nga ang madalas madenggoy, kahit na inaaway ang anak ko minsan kinakampihan ko pa sila. Kapag nagpapaalam sila para umuwi ng probinsya incidentally puro taga-Bicol ang mga nakakasama ko, may konting pasalubong pa sa relatives kahit papano. Iniiyakan ko pa kapag lumisan na sila ng tuluyan kasi I value their service sa pamilya ko.
Pero naman ‘yung huling maid ko pumatol sa jowa ng kapatid ko. Ang luka-luka nalaman namin manganganak na. Hay, kakalokah!
Reynz, ako di po sang-ayon sa pagsusuot ng uniform ng mga kasambahay, demeaning kasi eh, ganun na nga ang stature nila kailangan pa bang ipaglantaran.
Ang nanay ko dati namasukan sa foreigner, hindi ako nahihiya sa naging trabaho niya, pero masikip sa dibdib na makita siyang naka-suot ng maid uniform. Birthday pala ni Nanay kahapon.
we’ve had several kasambahays too and i have had some wonderful cheezmaks at minsan sumasakit ang panga ko sa mga pinag-gagawa nila like yong last one namen na biglang nawawala at nag-wa-wa-wee pala heheeh
nahuli namen kasi one time she was very excited na me nakitang artistang gustong gusto nya, ayun, nabuko hahaha
It’s easy to get some groceries and food, read: traffic and accessibility. Unless na me anak ka. Then, it’s one heck of a scheduling problem.
Very true, tatlo ang chikitings ko at talaga namang kagulo ang Walmart kapag mag-grocery na kami. Kapag nag-drive naman, kailangang ikadena, dahil hindi uubra ang seatbelt, nakaka-lusot. But when they grow up a little, magiginhawa na sana ng kaunti, dahil sila na ang mag-grogrocery.
Nakakarelate ako Mahalia. Ang anak ko kapag kasama ko sa grocery walang tigil ng kakadampot, sira tuloy ang budget ko. Mga tsikiting talaga noh?
hirap namang magsabi ng “No, baby” kasi nakakatuwa yung mga style nila nang paghingi.
ma stop din naman. maintindihan din ng mga bata na they are not living sa Disney World. smart din naman. sinabi ko lang na, kiddo, do you have a job? how much are those? nag add na ang batang pinag-aral ng aritmitik.
Na add din naman. cute tung batang ito. syempre pag anak mo bilib na bilib ka.
Kung ganoon here is my counter offer, sabay hablot sa listahan na kay haba haba.
Binasa ng bata ung listahan.
Nakasimangot.
THINGS TO DO BEFORE I CAN OWN SOMETHING…
THERE IS NO FREE LUNCH IN HEAVEN…
I do the TASK AND THY WILL BE DONE…
TAKE THE CHALLENGE AND YOU CAN HAVE YOUR THING…
Goodluck,
AMAHAN
* * *
Sakit man siguro sa loob nung bata na akala ganoon na lang kadaling bumili ng gamit. (MADALI NGA! NO QUESTION ABOUT IT!) but life is not like that.
GET REAL YOU LITTLE RASCAL, SPOILED BRAT tang… no that is not how you treat your love one. LOVE ONE! Holy Crap! from your blood and flesh.
Bat nahihirapan man ang puso ng Ama na pahirapan ang anak upang makuha ang mga bagay gamit ang pera, then so be it.
Once the task is done. Lets talk pa yan. I did not promise to buy the stuff. favorit stuff tagged by me the ADULT/PARENT/BARAT/WHATEVER YOU CALL IT – - not a need, NOT A NECESSITY! just a toy.
Just like teachers in schools. You want to get my 100% grade, i will give it to you. Just do the task, then thy will be done my little angel.
Affection: I love you son but you have to work for it.
Do the trick again, and again, and again…training…training.. from Kindergarten until up to at least 3rd grade. the result is amazing…
May katulong ka na sa bahay mo. anak mo pa. we call it, quality time.
Sa Mindanao naman
means, PRINCESS Prinsisa.
Ang pinakamamahal naming Prinsisa (Inday) na taga Mindanao, dahil lupain nila ay ni-Multinational Land Reform nung 19forgotten – upang taniman ng karami raming pineapple, rubber trees, banana at iba pa – naging domestic helper sa kamaynilaan na kung tawagin ay MAID. Dahil Prinsisa (Inday) sa kamaynilaan syay tinawag na tsimay. Si Inday na tsimay.
Pero sa aking puso’t kaluluwa kahit ano man ang tawag nila (mga panginoong mapang-alipin!)kay Inday. Sya pa rin ang PRINSISA SA LUPANG AKING KINAGIS-NAN!
Additional Info.
Dodong means Prince.
Manay means Donya.
Manoy means Don.
Manong means Don of the Dons!
Words from Mindanao, accept it or deny it. who cares.it is just me.
kung si madera nga lang ang masusunod at ako e yakang yaka naman namin ang trabahong bahay kaya lang ang aking sister na ang daming chikiting, kaso sobrang bait talaga nila sa kasambahay kaya ayun naaabuse sila, yes hindi yung kasambahay ang naaabyus kungdi yung mga may ari ng bahay hahaha.