Where To File Your Taxi Complaints
Talagang wala akong masabi sa mga taxi drivers dito sa Maynila.

Uber kapal ng mukha! I’m sure, one way or another, naka-experience na kayong madenggoy ng mga walanghiyang taxi drivers lalo na pag galing kayo ng airport.
Last week, I took a cab from Valenzuela going to QC. Usually, fare is just between 180 – 220P. Pagsakay ko sa loob, sabi ng driver i-kontrata ko daw sya ng 350P, malayo daw kase. Feck talaga! Manong naman, hinde naman yata makatarungan yun. Una, walang traffic kase 9PM na. Tsaka hello? Luluwas ako ng Maynila!!!
This is not like from metropolis going to some rural area na alas sais palang eh tulog na ang mga tao. Madami kayang pasahero dun.
With all conviction, sabi ko kay Manong, “Manong, pull over, mag bu-bus na lang po ako”
Sabi ni Manong, “kung makakalusot lang naman”
Naku, fwede vah! Pare-pareho lang po tayong naghahanap-buhay ng marangal. Ahem.
So along the way, chumika si Manong, ewan ko kung nagpapa-awa epek. Kesyo nawalan daw kase sya ng trabaho simula ng magsara ang Cosmos (manufacturer ng Pop cola). Ang nangyari pala, binili ng Coca Cola yung kumpanya nila, either magpapa-absorb ka sa kanila or kukunin mo ang backpay. Ang pagkakamali nya eh kinuha nya ang backpay, pambili daw ng bahay at pang tuition. Kaya ngayon, wala syang trabaho at nakikipasada lang daw sya ng taxi, hinde daw sapat ang kinikita nya. Helloooow? Am sure, malaki ang backpay.
This is it. May I drop name ang lola nyo. Sabi ko, may uncle ako dyan sa Cosmos, supervisor dati, si Mr._____. Nalipat sya sa Coca Cola Sta. Rosa. Sakto naman na naging supervisor nya pala sa Cosmos dati. Purbida man jud. Mabait daw yun at mabuting tao. Hiningi ang cellphone number. Patay kang bata ka. Ang totoo kase, I have no relation whatsoever to Mr._____ at huli kong kita sa kanya eh siguro Grade 5 pa ako. Ang natatandaan ko kase, madalas makipag-inuman yun noon sa sari-sari store namin sa Malanday. Nakngtokwa talaga, kaninong phone number kaya ang ibibigay ko. Tingin sa cellphone, scroll down, ibigay ko kaya itong dating phone number ni Reynz? Bandang huli, naibigay ko yung phone number ng ex ko hahaha.
Natakot ako akala nyo. Syempre, hinde ako nagpababa sa dapat kong babaan. Eto ang surprise, ayaw kunin ni Manong yung 200 na bayad ko. Ipaki-regards daw ako sa uncle ko, i-te-text nya daw, sana daw matulungan sya na ipasok sa Coca Cola AHHAHAHA. Akala nyo ako ang maiisahan ng driver na to noh?
Sa wakas, ako naman ang naka denggoy ng taxi driver!!! Nakaka-guilty pero on the other side, ang sarap kaya ng feeling hahaha.
PS.
Have you been a victim of abusive, choosy, over-charging and discourteous taxi drivers? Report the date, time, plate numbers and taxi company to LTO Hotline at 9219071 or the DOTC Action Center at 7890. You can also course your complains HERE
Thanks, bye!
Viewed 9995 times by 1674 viewers
malensky is is a true blooded Waray-waray from a certain barrio in the Eastern Visayas region. She graduated without honors in Engineering at some University along the Pasig river. A real life opportunist, self-proclaimed artist and street-smart babe who frequents the parlor, making friends with parloristas to get free highlites lol. She works in QC with slightly above minimum wage and plans to further her studies in Ricky Reyes Learning Institute so she could try a career out of haircutting, with manicure and pedicure.














Bring back memories:
Take note ko na lang ang numbers in case makaapak ng Maynila. dahil akin pang naaalala nung akoy nakaapak ng maynila galing promdi. Nadenggoy ako ng alimputsak na driver na un. sabi pa nya babalikan daw ako para sa change ng 500.00 pesos, eh hindi na bumalik..
Oo nga pala ano? dalawa lang pala ang tao. Ang mangdengguyay at ang nagpadenggoy. Salamat sa story
Kaya talaga dapat may dala kang barya pag nasakay ng taxi…kase madami jan sinasabi nila na kakalabas lang daw nila, wala daw silang panukli.
Malen,
you have another taxi story, kaso leche, malelechehan ang pangalan ko hahaha, this was when we got back from Davao taz hinatid mo ako at MAG-ISA kang nag-taxi pauwi hahahaha! SORRY di na uulitin pramis HAHAHA
tseeeeeeeeeehh!!! hahaha. naalala ko yun, binayaran mo ko ng isang libo para ihatid kita sa condo mo. alam mo bat ako pumayag? akala ko 350 lang ang bayad ng taxi. i was thinking na n-scam kita ng 650…anak ng tokwa 1400 ang sinisingil sa kin ng drayber!!! hayup talaga yung driver na yun, dimunyooo oh ahahaha
marami talagang siraulo sa taxi drivers dito sa pinas! napakalayo compared sa ibang kapitbahay natin….prang mga hustler eh!
trulala! flanganaaaa! yun iba nga kakntsaba pa ng mga holdaper
ay naku, ako din ay may uber asar taxi driver story. e waray ang nanay ko at batangueno naman ang tatay, pagsakay ba naman namin sa SM papuntang QC e pinapababa kami ksi daw ay traffic!aba aba ba, tinalakan ko si manong driver to the maximum level sabay sabing itigil nya sa pinakamalapit na himpilang ng pulisya, huramentado na talaga ko, e di takot sya. ending e nihatid kami hanggang valenzuela, at nakametro pa, without asking for dagdag. ha ha.
hello dinah, i rem you sa shopaholic.
hahahaha naloka ako sa tatay mo hahaha
san ka sa valenzuela? baka mag ka pitbahay tayo.
“Sa wakas, ako naman ang naka denggoy ng taxi driver!!! Nakaka-guilty pero on the other side, ang sarap kaya ng feeling hahaha.”
lol! natawa ako nito. but i’ve met one honest driver na sinabin ako na sira metro nya at pwede ko syang bayaran sa usual fare ko lang.
good for you! bibihira yun ganyan. yun officemate ko, one time hinde sya nasuklian kase wala talagang barya, sumunod na araw, inantay sya para ibalik yun sukli, winner di ba
ako naman when i take a taxi going home sa balay ko sa pasig, pinag-kakape ko muna bago umalis hehehe
hahahahaa pinag kakape and the rest is history….hahahah
Davao has a different subculture of taxi drivers. Once malaman ni Tito Duterte na humingi ng tip, lagot ka na drayber ka. Kaya, taking a taxi in Dabaw is much safer and saner…
DFIsh,
but we read na “iba” daw ang ginagawa sa mga taxi driver dun! totoo ba na may himala?? hahaha!
hahaha ‘day, i know you don’t like duterte and the alleged DDS (davao/duterte death squad)
but true or false, mukhang kelangan namin sa purok#3 ng isang mayor na gaya nya para matapos na ang talahid hiway once and for all!!!
grabeh sa davao, kahit piso isusukli talaga nila. andun kami las january, nakaiwan kami ng digicam sa taxi, sobrang helpful pati ng mga pulis, after 2 hours, binalik mismo nun driver yun camera
Opo kamahalan – parang, parang nilalagyan yata ng buong durian ang upuan kung mukhang wala kang pambayad, hehe.
grabe, daming ganyan satin nakakalungkot, actually kahit san naman meron nyan kahit nga dito e dika pa nakakasakay hihingan ka na ng tip??? o sasabihin na sayo kung magkano na di gamit ang metro??? kaloka
may ibang taxi driver naman na mabait. nagkkwento pa ng buhay nila. ayun binigyan ko lang ng 4 na hershey chocolate bar para sa anak nya na pers honor daw
takot ako sumakay sa taxi sa totoo lang. kung alam ko ang ruta ng dyip o bus, dyan na lang ako. pero kung galing sa airport eh doon ako pumipila sa airport-approved taxis. bibigyan ka ng papel ng taga airport tapos andun ang plate number ng taxi at kung saan puede mag-complain ang pasahero. syempre pag may complain about certain taxi/driver. eh di hindi na sila papipilahin doon sa airport. kaya behaved ang taxi na yan at yung driver.
Ako paranoid pag nasakay ng taxi. Kelangan nakalock lahat kasi may instances na biglang papasok sa loob ng taxi tapos mangholdap.
Tapos sa Makati, ang daming nangongontrata na taxi dun kaya ako, tinatarayan ko sila sabay alis.
oo wala kang makukuhang solo mo loob ng taxi lalo na dyan sa buendia pa ayala, grabe mga swapang talaga di ako maka chamba ng solo taxi lahat punuan parang jeep
LEE?! ISTATUE?! HAHAHA! Sumakay ka ba sa missile na pinalipad nang lolo mo sa North Korea?! tagal mong nag-tago sa kabinet ah! haha
hi lee! buti nakapasok ka uli sa cyberspace. balitang balita dito na thousands of web servers ang pina shut down dyan banda sa inyo. takot na naman daw ang pamahalaan ng China na gamitin ang internet gaya-gaya puto maya doon sa falunggong. di na muling ibalik pa ang tiniamen square incident. anyway welcome back.
oo nga, tagal mong nawala lee ah, ehehe!
Haaayyy I remember, na holdap ako sa loob ng taxi. Kasalanan ko naman kasi dahil natulog ako. Di ko tuloy namalayan na may pumasok na lang bigla. Balisong ba naman tinutok sa akin kaya sabay sagot ng “Manong, gusto mo rin ba itong relo?” LOL!
After that, nanghiram ako datung kay mudra para pang down payment ng oto. Di baleng madagdagan mga binabayaran ko at least safe.
maganda atang style ah,,,,gawin ko nga yan rob para makahingi ng bagong oto sa mudras ko ehehe
Salamat po sa info. Ako madalas laging sumasakay sa taxi kapag nale-late na…May mga nanghihingi ng dagdag on top of the taxi fare… Grrr. ^_^
nag take effect na ba ung pagbigay ng receipt sa taxis?