Home » Opinion

Yun Naman Pala Eh…

31 July 2009 15 Comments

Akala tuloy natin eh talagang inimbitahan si Madame Glory sa White House. Pati naman ako nagulat sa pinagsasasabi ng mga Puppet sa Malacanang. Kesyo “Honor daw ng Bayan”, “kesyo inimbitahan daw”, kesyo Kailangan daw kasama si Lito Lapid para makapagpapicture kay Bam-Bam hahaha

Pero ang totoo pala naman ay Malacanang ang tulo laway sa pagpupursige na mameet ni Glory si Bam-bam kasi nga daw, kung matatandaan nyo, inisnab ng lolo nyo ang lola nyo noon sa US hahaha Akala kasi ni Tita Glory eh ang appointment kay Bam-bam ay by Height. Eh by moral importance pala naman. LOl

Kaya lately, dahil kinukulit ng Malacanang ang White House para sa pagkikita nila ni Bam-bam eh bumigay na din ang huli. Ikaw ba naman ang kulitin ng kulitin eh di bibigay ka din matigil lang.

Sabi ng Inquirer (o ayan ha hindi kami ang nagsabi nyan):

But was Ms Arroyo invited by Obama to the meeting at the Oval Office, as Malacañang has constantly claimed?

Not even the senior official of the US State Department who briefed the members of the Philippine media four hours before Ms Arroyo’s arrival in Washington knew for sure.

“There was an opportunity for her to come to Washington. A visit was proposed, and the timing worked for both Presidents and they were happy to meet,” said the official who declined to be named.

The official also said it was not as if Obama had chosen Ms Arroyo over other leaders of the Association of Southeast Asian Nations (Asean).

According to a source from the Filipino-American community in Washington, the meeting was the fruit of intense lobbying by Malacañang shortly after Obama won the US presidential election in November.

The source claimed that the meeting was intended to save Ms Arroyo from the embarrassment of another snub: Speculation is rife in Washington circles that Obama would make a series of state visits to Indonesia and other Asean members, the Philippines not included.

O yun naman pala eh hahaha E bakit ang daming langaw na nakatungtong sa kalabaw? Sabi ng Namatay kong Lola (sumalangit nawa), ang mga tampalasan daw at sinungaling, kahit ano gagawin, wag lang daw mapahiya ang dila. Sya nga naman hehe

Ganyang ganyang yung mga kakilala ko dito sa Barrio namin, Invite yourself LOL

UPDATE: Lito Lapid didn’t get his wish of having a photo op with Obama, he was replaced by Heherson Alvarez as the sixth man on the list. Tama lang, wala naman talaga sya silbi dun. Aksaya lang sya sa pamasahe. Buti nga! ROFL

Related Posts with Thumbnails

Viewed 7505 times by 1858 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.

15 Comments »

  • Chi says:

    base! naku, nakakahiya tlaga. ano ba naman yang naisipan ng malacañang? kya nga inisnub e hindi type, nagpursige pa! kapal! kung ba naman paggugol sa ikauunlad ng bansa ang inatupag hindi yong pangungulit, di siguro npansin pa sya’t me tyansang lapitan ‘probably’ next time! ay sus!

  • reyna elena says:

    Opo bluep! hahaha! how many times ba na napurnada nyong byahe nya to meet Obama? Hahaha! Yong side trip sa New York? Yon byahe sa Chicago? hahaha!

  • Mel says:

    akala ko si pgma at bam-bam na talaga ang nag-shakehands! bwahahahaha!
    on a sad note, kawawa din pala tayo noh kasi dedma na ni obama. kasalanan ito ni pgma eh! damay-damay na tuloy. kainez!

  • Silver says:

    Hay naku. Sana naman yung iba sa atin WAG NANG BUMOTO NG ARTISTA FOR PUBLIC OFFICE!

    Litsi.

  • Kotsengkuba says:

    grabe na talaga ang politika satin ano. kita nyo na ba yung bagong commercial ng DILG? kailangan ba talaga e ipa-commercial sa tv kung anuman ang ginagawa ng mga departamento ng gobyerno.

    ayos lang sana (although nakakasuka din) kung sila manny “akala ko corned beef” villar at mar “kumustaaaaaahhh” roxas kase pera naman nila yun. pero si puno? haller, pera ng dilg yun. and to think dilg ang departamento ng hijo de prutas!

  • myepinoy says:

    malinaw naman na obsession lang ni gloria ang makharap ng personal si obama.

    imagine mo, ang daming kumplikadong bagay ang inilatag ni gloria na kanilang pag uusapan pero tingnan nyo kung ilang minuto lang sila nag usap, 30 minuto. sa mga niceties o kung ano pang ka ek ekan sa mga ganitong meeting, mauubos na ang ilang minuto, so ano pa natira? di smile smile na lang kasi kodakan na.

    Oo, nandoon na na possible na meron mga ongoing things sa background pero bakit kailangan pa maki face to face kung pede naman pala gawin o pag usapan ang mga ito sa backgorund or through mga alalays?

    Ang tanong, sino na naman ang magbabayad sa ginastos nila? remember, 28 congressmen kasama mga asawa ang nakisabay, isama mo pa mga cabinet members at senadores.

    This is yet another expensive 30-minute meeting charged to our very rich country all for the obsession of one lady. BWISIT!

  • darbs says:

    May news blackout ata!

    SAAN NA ANG NEWS SA pag bwesita ng mga flies to Whitehouse.

    Sikat na sikat dito ang Beer Summit.

    Saan na ang BIG NEWS NG mga BWESITANG flies galing SA Mala-buayang-taga-kanyang na tampalasang nakatira sa MAPUTING WHITEHOUSE NI BAM-BAM AT HIL puntang da hill to fetch pale of voters.

    Hil fell down and Bam went up and Lapad went tumbling over. tralalalalala….tralalalala… tralalalala. tralalala. – Jack and Jill song

  • dencios says:

    haha. da bes ser blupan. :D pero nung nainterbyu si Lapid sa Pinoy TV nakakainis na nakakatawa yung ngisi nya sa TV e. haha.

    sa mga ka barrio natin pala sa america kamusta ang bisita ni PGMA sa whitehouse? tsk tsk nakakahiya…

    • Snow says:

      Kung bibisita lang si PGMA sa White House para magpa-photoops nakakahiya. Pero kung may business naman ok lang.

      Pero husmaryosep, huwag naman isama ang isang damakmak na opisyal at kamaganak ano? Garapal naman tawag dun… :(

  • Glo says:

    eh bakit pa nga magkakaron ng interes ang US sa pinas?? wala na di ba? ni wala na silang base dito. natitira na lamang yung visiting forces something something.

    besides, nasaan na ba ang pinas ngayon in terms of economy and development! wala. so bakit tayo papansinin kung merong mas matino pang bansa na dapat puntahan dito sa southeast asia.

    mas lalong nakakahiya yang ginawang pangungulit ng malacanang sa white house bigyan lang ng 30-minutes si PGMA. sana nag-usap na lang sila sa phone baka humaba pa usapan at di pa gumastos ng sangkatutak sa mga langaw na sumama!

    hayyy

    • La Kapitana says:

      atenggg! marami ah! maraming natural resources sa mindanao kaya nga busy sila dun eh! hahaha!

      • Glo says:

        yeah. kaagaw pa nila ang abus. ;) hahahha! dyosko ayng agawan ng lupa sa mindanao, panahon pa ni macoy andyan na yan. hanggang ngayon di pa rin solved!

      • Glo says:

        natural resources?? may natira pa ba? eh naubos na ng mga kano noon pa ah? hahahaha!!!

        well baka nga me tira pa at mga korean naman ngayon ang sumisimsim ng natural resources natin. he hehehe.

        • La Kapitana says:

          marami ateng! yun actually ang puno’t dulo nang pinag-aawayan nang mga yan. especially yong gas reserves dyan hahaha nabasa ko at pag nakita ko ang link send ko seyo

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.